^

PSN Showbiz

Anne titigil na sa pag-aaral ng korean language, hurt sa kasal ni Gong Yoo!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Anne titigil na sa pag-aaral ng korean language, hurt sa kasal ni Gong Yoo!
Anne

Bagama’t itinanggi ng kampo ng Korean actor na si Gong Yoo na ikakasal siya sa actress na si Jung Yoo Mi na kasama niya sa pelikulang Train to Busan, naiiyak pa rin si Anne Curtis. “Yung Tsismis. Yung heart ko. Pero kung sakali, ok Lang. I want him to be happily married like me too. It’s a tie kami. Pero shucks ha. May kurot pa rin sa fan girl heart ko. Haha. I know - #weirdo,” sabi ni Mrs. Erwan Heussaff sa kanyang Twitter account kahapon na may emoticon na umiiyak pero nakangiti.

Grabe ang naging addiction ni Anne sa K Drama lalo na kay Gong Yoo. Umabot pa siya sa puntong dumalo siya sa fan meeting nito sa Hong Kong, but sadly, hindi niya pa rin nakadaupang palad ang sikat na Korean aktor.

Tanggap ng husband niyang si Erwan ang  pagkabaliw ni Anne sa K Drama bago pa man sila ikasal.

Kahapon din ang birthday ni Erwan at may special message rin si Anne kasama ang pangakong titigil na sa pag-aaral ng Korean language, switch na raw siya sa French. “Happy Birthday to my happiness, my security blanket, my best friend, my mon amour & now my husband @erwan. Here’s to another awesome year for you my love. I’ll always be here, right at your side to support all of your dreams & goals. Je t’aime! Joyeux Anniversaire! À toi pour toujours, ton amour et ta femme - Moi. . . P.S - I promise to stop learning korean this year and switch to FRENCH”

Pasabog sa new year sandata ni Sarah lalabas na

May bagong album for 2018 ang queen of pop na si Sarah Gero­nimo titled Sandata.

At available na raw ito for pre-order pero lalabas na sa market tomorrow, Friday.

Sa cover pa lang, exciting na ang new album ni Sarah.

Simula pa lang umano ito sa pasabog ng queen of pop for 2018.

Bukod sa pelikula nila ni James Reid na kasalukuyan nang nagsu-shooting, ang 20 Again, ang Tagalog adaptation ng hit Korean movie na Miss Granny, may naka-schedule rin itong major concert. Wala pa nga lang schedule at venue dahil kailangan daw munang unahin ang 20 Again.

JC at Ryza buwis buhay ang ginawa sa Mr. & Mrs. Cruz

Isang pelikula tungkol sa love, commitment at marriage, ang Mr. and Mrs. Cruz sa panulat at direksyon ni Sigrid Andrea P. Bernardo, ang direktor ng last year’s highest-grossing Filipino film na Kita Kita, ang unang handog ng Viva Films ngayong 2018. Kasama ng Viva bilang producer ang The IdeaFirst Company.

Sa pelikula tatalakayin ni Direk Sigrid ang isang usapin na kasama palagi ng love, ngunit madalas na iniiwasang pag-usapan: ang commitement. Ang Mr. and Mrs. Cruz ay kuwento nina Raffy (JC Santos) at Gela (Ryza Cenon) na nagpunta sa Palawan upang magbakasyon at makapag-isip. Matatagpuan nila ang isa’t isa sa paraiso kung saan magsisimula ang kanilang pag-ibig, ngunit masusubukan din dito ang kanilang paniniwala tungkol sa pag-ibig, commitment at marriage. Magawa kaya nilang malampasan ang mga pagsubok sa kanilang pagmamahalan?

Ito ang unang beses na pagtatambal sa pelikula nina JC at Ryza, ngunit ngayon pa lang ay hindi na maitatanggi ang kanilang chemistry. At kitang-kita ‘yun sa trailer ng pelikula.

Naging magandang taon para kay JC ang 2017. Naging instant TV sensation siya sa kanyang role bilang Ali sa ABS-CBN’s Primetime teleserye na Till I Met You  kasama ang multimedia loveteam nina James Reid at Nadine Lustre. Nakagawa rin siya ng tatlong pelikula kabilang na ang 2017 Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) top-grossing film na 100 Tula Para Kay Stella, kung saan ginampanan niya ang papel ni Fidel, katambal ang Primetime TV Gem na si Bela Padilla. (sundan sa pahina 11)

 Tuluyan namang gumanda ang career ni Ryza noong 2017 kung saan napansin ang kanyang husay sa pag-arte sa romance-horror film na Ang Manananggal sa Unit 23B. Nakamit niya naman ang Best Supporting Actress nomination sa 2017 EdukCircle Awards dahil sa kanyang mahusay na pagganap bilang Georgia sa GMA 7 teleserye na Ika-6 na Utos.

Ang buong pelikula ay kinunan sa napakagandang isla ng El Nido, Palawan. At ang official soundtrack naman ng pelikula na Istorya at Before I Let You Go  (originally by Freestyle) ay inawit ng hit all-male band na The Juans at ni Nicole Omillo.

Isang malaking hamon ang pagshu-shoot ng pelikula sa Palawan. “Literal na buwis buhay” paglala­rawan ni Direk Sigrid. Sa isa sa kanilang mga shooting days, muntik nang ma-trap sa isang  exclusive beach ang grupo. “Sobrang chill lang kami. Nagkakantahan pa in between shots, not knowing na super high tide na pala sa labas ng exclusive beach kung saan kami nagshu-shoot. Bago ka kasi makarating doon sa exclusive beach, kailangan mo munang pumasok sa isang cave. Sinabihan na lang kami ng guide namin na kailangan na naming lumabas dahil malakas na ang ulan at mataas na ang tubig sa labas. So, lu­malabas pa lang kami ng cave ramdam na namin na mataas na talaga ‘yung tubig. As in, kailangan mong sumisid para makalabas ka.”

Magiging maaga ang Valentine’s Day ngayong 2018, sa paglabas ng Mr. and Mrs. Cruz sa mga sinehan ngayong January 24.

vuukle comment

ANNE CURTIS

GONG YOO

SARAH GERO­NIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with