^

PSN Showbiz

Aljur naiyak sa ginawa ng kapatid

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi mo aakalain na ang isang macho na lalaking tulad ni Aljur Abrenica ay mapapaiyak nang alalahanin ang pagiging loyal ng kanyang kapatid na si Vin Abrenica, lalo na sa panahon na nasa pinakamababang estado siya ng kanyang buhay.

Bagaman at sinabi ng aktor na malaki ang pasasalamat niya sa Kapamilya network dahilan sa tiwalang ibinibigay nito sa kanya nung panahon na hindi na maganda ang lagay niya sa Kapuso network ay hindi nawala sa kanyang tabi ang kapatid na patuloy namang tinatangkilik ng publiko at never itinuring na threat sa kanya.

Saksi si Vin sa pagtupad ni Aljur ng kanyang pa­ngarap na maging isang artista. Nanghihinayang nga siya na halos hindi na sila nagkikita ng kanyang kapatid pero, masaya siya dahil sa dami ng trabaho nito.

Looking forward siya na matanggap na ni Robin Padilla na tinatawag niyang “tito” ang relasyon nila ni Kylie Padilla na all praise siya sa pagiging isang mabuting ina.

Kim pumalag sa pagiging single

Kahit na hindi maami­­n­amin nina Kim Chiu at Xian Lim ang relasyon nilang dalawa (kung kaya ipinapa­lagay ng lahat na for screen purposes lang ang ugnayan nila), nagtataka ang lahat kung bakit pinalagan ni Kim ang pagtawag sa kanya ng single.

Masisisi ba niya kung ganun ang maging pagtanggap sa kanila ng lahat gayung wala naman silang inaamin sa haba ng panahon na nali-link sila? Tama siguro na huwag nang ipagkaila kung may karelasyon sila o wala. Hindi naman ito makakaapekto sa kanilang karera, bagkus ma­ka­katulong pa nga kung sa edad nila ay mayro’n na siyang pinagbigyan ng kanyang puso.

Danita pinanindigang ‘di kayang magpaka-daring

Sana nga na by this time ay alam na ni Danita Paner ang requirement ng kanyang trabaho at handa nang harapin ng buong kaseryosohan ang mga nararapat niyang gawin. Sayang at pinalampas niya ang napakagandang oportunidad na makasama sa seryeng Wildflower. Inamin niyang hindi niya kaya ang requirement na hinihingi for the role na nakuha ni Roxanne Barcelo (na nagampanan naman nito ng buong husay).

Wala namang panghihina­yang na nararamdaman si Danita sa magandang pagkakataon na pina­lam­pas niya dahil matapos mapanood ang serye at makita ang role na dapat ay ginampanan niya ay na-realize niyang talagang hindi pa siya handa sa ganung ka-daring na pagganap.

Boto ni Maricel hindi pa rin matanggap

Ano ba ‘to, kinuha nila si Maricel Soriano para mag-judge sa Magpasikat segment ng It’s Showtime pero, pinapalagan naman ng mga manonood ang desisyon na ibinigay niya sa limang grupo na naglaban-laban at binuo ng mga host ng nasabing show.

Kung ‘yun sa palagay ng Diamond Star ang score na nararapat niyang ibigay  sa kanila ay bakit sila pumapalag, may karapatan naman siya sa desisyon niya. At dahil hindi umayon sa gusto nila ang desis­yon niya ay galit na sila? Nakita naman ng lahat ang limang performances. Tama lang ang naging resulta, ‘di ba?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with