^

PSN Showbiz

Dasal ang katapat, Baron may mas malalim na problema!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi ko alam kung dapat ba na maawa o magalit tayo kay Baron Geisler na madalas na nasa­sangkot sa mga eskandalo na paulit-ulit na lang pero hindi na siya natuto.

Sayang ang chances na ibinibigay kay Baron. Sayang ang mga oportunidad na pinakakawalan niya.

Parang no amount of understanding can change him. Parang gusto niya talaga na mag-self destruct.

Baka may problema si Baron na kailangan ng professional help na hindi basta magagamot sa mga rehabilitation center na pinagdadalhan sa kanya.

Si Baron ang tipo ng tao na kahit tulungan mo, hindi niya maa-appreciate dahil iba nga ang takbo ng isip niya.

Siya na lang ang puwedeng tumulong sa sarili niya, wala nang iba. Siya ang makakagawa ng paraan dahil nag-aaksaya lang ng panahon ang mga tao na nagmamalasakit sa kanya.

Waste of time talaga na tulungan si Baron dahil hindi nga niya mabago ang sarili, ang ibang tao pa kaya?

Prayers na lang ang puwede nating ibigay sa isang lost soul na tulad ni Baron Geisler dahil  posibleng ang langit ang makakatulong para magbago siya pero huwag sanang dumating ang panahon na makahanap ng katapat ang pasaway na aktor na  takaw-gulo at palaging nawawala sa sarili.

Ara wala nang pag-asa sa ex

Isa mga producer ng Cineko Productions si Bulacan Mayor Patrick Mene­ses kaya umapir siya sa red carpet premiere ng Bes and The Beshies sa Cinema 3 ng SM Megamall noong Martes.

Sounds familiar ang name ni Patrick dahil ex-boyfriend ito ni Aiko Melendez at siya ang ama ng anak ni Ara Mina.

Si Ara ang kasama ni Patrick sa premiere night ng Bes and The Beshies. Pumayat si Ara kaya hindi kaagad siya nakilala ng mga dumalo sa premiere night ng pelikula nina AiAi delas Alas, Zsa Zsa Padilla, Beauty Gonzales, at Carmi Martin.

Ang akala ng madlang-bayan, may bagong girlfriend si Patrick hanggang ma-realize nila na si Ara ang sexy date ng eligible bachelor na mayor ng Bulacan.

Bagay na bagay ang dalawa kaya may mga nagsabi na bakit hindi na lang siya magbalikan, alang-alang sa daughter nila?

Ang sagot ni Ara, “Wala eh, friends na lang talaga kami.”

Nagpakatotoo lang si Ara tungkol sa sitwasyon ng relasyon nila ni Patrick pero mahirap magsalita ng tapos dahil mapaglaro ang tadhana na puwedeng gumawa ng paraan para magkaroon ng Part 2 ang love story ng mga magulang ni Amanda Gabrielle.

Beauty walang paki sa pagbubuntis ng best friend na si Ellen

Matalik na magkaibigan sina Ellen Adarna at Beauty Gonzales pero wala itong alam tungkol sa tsismis na buntis ang sexy actress at si John Lloyd Cruz.

Sinabi ni Beauty na kahit friends sila ni Ellen, hindi siya ang tipo ng tao na magtatanong ng isang napaka-personal na bagay o isyu sa kaibigan niya. 

Kung happy si Ellen sa piling ni John Lloyd, happy rin para sa kanya si Beauty na equally happy dahil sa asawa at anak niya.

Naglalamyerda pa rin sa Europe sina John Lloyd at Ellen pero palipas na ang isyu tungkol sa kanilang relasyon.

Tanggap na ng fans ni John Lloyd na si Ellen ang itinitibok ngayon ng puso ng kanilang favorite actor at wala silang karapatan na panghimasukan ang personal life ng mga artista na hinahangaan nila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with