Jon lilipad na Darna, Kakai tanggap na ang kapalaran kay Ahron
Rodel C. Lugo (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines -  Todo outfit bilang ‘Darna Soberano’ si Jon Santos nang umapir sa press launch ng gagawin niyang comedy show sa Resorts World Manila na Live, Love, Laugh (LLL). Kumpleto pa siya sa headdress at long curly wig.

Masaya si Jon sa kanyang bagong show dahil noong February pa ginanap ang kanyang sold-out comedy concert na Extra Judicial Kidding.

Nagpa-sample naman sa naturang presscon ang tinaguriang Dental Diva na si Kakai Bautista sa opening ng presscon. Second time na raw ni Kakai sa RWM at laking pasasalamat niya na kinagat ng manonood at nag-click ang tandem nila ni Jon kaya nagkaroon ng LLL.

At dahil napag-uusapan na rin lang ang love, natanong si Kakai sa lagay ng kanyang puso. Napaka-positive umano niya dahil na rin sa impluwensiya ng best friend na si Maja Salvador. Malaking tulong ito sa pag-recover niya sa mga nakaraang heartbreaks. Pero kahit sobrang close ang dalawa ay hindi raw sila nakikialam sa love life ng isa’t isa.

May banta lang naman si Maja kay Kakai na kapag binalikan nito ang ‘pagpapakatanga’ kay Ahron Villena ay friendship over na sila. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na si Ahron ang pinakahuling lalaking nagpaiyak kay Kakai.

Pero may aral din naman na iniwan si Kakai dahil sabi nito, “Walang makaka-achieve ng true love kapag hindi nagpaka-shunga”.

Speaking terms na rin naman sina Ahron at Kakai at nakapag-dinner na raw sila together. “Accepted ko na kung ano man siya. Happy ako para kay Ahron”.

Happy din naman daw sa kasalukuyan si Kakai kahit wala siyang love life.

Samantala, sinabi naman ni Direk Joaquin Valdes, spin-off ng Extra Judicial Kidding ang LLL na magta-tackle pa rin ng current issues sa bansa kabilang na ang fake news na mabilis kumalat sa social media. Ang bago raw sa LLL ay makakasama rito ang ISPRIKITIK Improv na ki­nabibilangan ng musicians, actors, singers, compo­sers, at dancers na magaling sa improvisational comedy.

Nagpa-sample ang ISPRIKITIK Improv ng ka­ni­lang talent kung saan isinali nila ang audience para sa on the spot na pagpapatawa at pagbibigay aliw. Nakakamangha dahil nanghingi lang sila ng mga salita at impromptu na ginamit ang mga ito sa kanta at comedy skit.

Ang Live, Love, Laugh ay mapapanood sa August 12 (8 p.m.) at August 13 (3 p.m.) sa Ceremonial Hall ng Mariott Grand Ballroom ng Resorts World Manila.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with