Judy Ann Santos
Juday magluluto sa kasal ni Iza!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2017 - 12:00am

Simula na bukas ang showing ng Bliss na pinagbibidahan ni Iza Calzado sa direction ni Jerrold Tarog. Maganda ang review ng pelikula at Rated R-18 without cuts ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Marami ang sumusuporta sa pelikula pati mga kaibigan ni Iza sa showbiz. Si Judy Ann Santos nga, kahit nasa Italy ay inayos ang pa-block scree­ning nila para sa pelikula sa pagbabalik nila ni Ryan Agoncillo.

Si Judy Ann din ang nangunguna sa pang-aalaska kay Iza na dapat sumunod na silang pakasal ni Ben Wintle sa April 28, 2018 dahil ito ang araw ng wedding anniversary nina Ryan at Judy Ann.

Sina Ryan at Judy Ann ang life peg ni Iza. Ang request pa nga ni Iza, magluto si Judy Ann sa wedding niya at pumayag naman ang kaibigan. Kaya lang, hindi pa nagpo-propose si Ben.

Iisa ang nagma-manage ng career nina Iza at Ryan, si Noel Ferrer.

Anyway, isa ang Bliss sa challenging movie na ginawa ni Iza at pinakamahirap na eksena sa kanya ay ‘yung nakalutang siya sa tulong ng harness. Ang hirap daw dahil masakit sa katawan, pero ginawa niya ito nang walang reklamo.

Produced ng TBA Studios ang nasabing pelikula.

Rocco at Lovi  friends na uli

Time out muna sa taping ng Encantadia sina Rocco Nacino at Sanya Lopez dahil lilipad sila papuntang Vancouver, Canada bukas sa imbitasyon ng Pinoy TV. First time lalabas ng bansa ni Sanya at siguro naman, kahit konting oras ay makapamasyal at makapag-bonding sila ni Rocco.

Sa May 14 ay kailangan nilang bumalik ng bansa para sa last taping ng Encantadia na magtatapos na sa May 19.

Pakikiligin nina Rocco at Sanya ang DanQuil fans sa Vancouver, pero nauna na nilang pinakilig ang fans nang pumunta sila sa Enchanted Kingdom para sa show ng cast ng Encantadia na sumubaybay sa fantaserye. Pinagbigyan nila ang request na kiss ng fans.

Samantala, totoong friends na uli sina Rocco at Lovi Poe. Hindi sinasadyang nabasa ng isang reporter ang text ni Lovi kay Rocco congratulating the actor sa pananalo ng gold medal sa sinalihang Jiu-Jitsu competition. Una noon, nag-text din si Lovi at nag-condolence sa pagkamatay ng lola ng aktor na nakilala ng aktres noong sila pa na nag-follow na uli sila sa isa’t isa sa social media.

In fact, open siya to work with Lovi again.

“All is well, wala na akong pakialam sa love life niya. Hindi na ako affected. Ours was a good run. We’re okay, pero close na kung tatanungin ako kung magkakabalikan pa kami,” sabi ni Rocco.

Bianca walang paki kahit lumuwa ang boobs

Childhood dream ni Bianca Umali ang mapasama sa Mulawin at sinubaybayan niya ang fantaserye noong bata pa siya. Favorite karakter niya si Alwina at natatandaan niya na umaakyat pa siya sa upuan at kunwari ay lilipad. Tuwing Halloween ay nagku-costume siya tulad ng mga karakter sa fantaserye.

Kaya laking tuwa ni Bianca nang malamang kasama siya sa cast ng Mulawin vs. Ravena bilang si Lawiswis o “Wis.” Dedma siya sa hirap ng training at sakit ng katawan ‘pag hina-harness.

Kapag walang taping, nasa gym si Bianca at nagwu-workout o kaya’y nagti-training para sa fight scene niya. Hindi rin siya affected sa nagku-comment na kita ang cleavage niya sa kanyang costume.

 

JUDAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with