^

PSN Showbiz

Charice nagtatago?!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Charice nagtatago?!
Charice Pempengco

Wish ng fans na ‘wag naman sanang maligaw ng direksyon si Charice Pempengco ngayong hiwalay na sila ng ka-live in na si Alyssa Quijano matapos itong lumayas sa kanilang tirahan.

Wala rin daw itong masyadong datung ayon sa dating malapit sa Pyramid singer.

Noon daw ay nagkaroon ito ng dollar account at binabantayan ng dating manager. Pero pinatalsik umano nito ang nagmamalasakit na manager.

Ayon pa sa source, wala raw planong lumutang si Charice para magpa-interview tungkol sa hiwalayan nila ng former live in partner niya.

luis puwede nang magturo ng pagsisid

Luis Manzano

Certified dive master/dive professional na si Luis Manzano.

Yup, puwede na siyang magturo ng pagsisid. Matagal na ring passion ni Luis ang diving. Kuwento nga niya noon, sa beach front niya gustong mag-retire at magturo nga ng diving.

Base sa card na posted sa kanyang Facebook and Instagram account, pinagkalooban na siya ng certificate. “And i am now a certified @paditv DiveMaster and dive professional! :) Thanks to the best mentors i’ve had for the past 15 years, Gerry “Papa Cool” Reyes, Arlie “Kuya Arls” Juarez and Padoy “Doypads” Fajermo! Salamat sa inyo! :) So, who needs a divemaster?Gerry Reyes Padoy Fajermo Arlie A Juarez Gerry Reyes next is instructor and tech course!”

 “I’m so proud of you!” react ng girlfriend niyang si Jessy Mendiola.

Congrats Luis.

Kim Chiu

Kim waging tv actress of the year Gerald nahahawa kay Kim ‘pag nasa taping

Nasakto sa Labor Day ang pagsisimula ng seryeng Ikaw Lamang ang Iibigin na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Magandang sign daw ito sa serye ng dating reel loveteam na nagbabalik-tambalan sa telebisyon.

Inilagay sila sa tanghali kaya naman maraming fans ang nag-worry. Pero palalakasin daw ang  nasabing oras kaya doon inilagay ang Ikaw Lamang…

Anyway, pagtupad ng pangarap at pagkamit ng tunay na pag-ibig ang k­uwento ng balik-tambalan ng KimErald.

Mula Sana Maulit Muli, My Girl, Your Song, Tayong Dalawa, at  Kung Tayo’y Magkakalayo, umamin sila na sa umpisa ng taping ng balik-tambalan ay parang may pader sa kanilang pagitan. Pero sinabi ni Kim na madali naman ‘yun natanggal at agad silang naka-adjust.

Happy naman si Gerald na nakatrabaho uli niya ang ex-girlfriend na dineklarang TV Actress of the Year ng 48th Box Office Entertainment Awards.  Nakakahawa raw ang pagiging passionate ng actress kahit pagod na.

Hindi naman nakakalimutan ni Gerald na bahagi ng kanyang career si Kim at very open siyang sabihin na wala siya kung hindi dahil kay Kim.

Sa kabilang banda, sinasabi naman ni Kim na grabe ang naging paghahanda niya rito. Kinarir ang role ng triathlon.

Makakasama nila sina Jake Cuenca at Coleen Garcia with Gina Pareño, Bing Loyzaga, Ayen Munji-Laurel, Michael De Mesa, Daniel Fernando, Dante Rivero, Nicco Manalo, Ivan Carapiet, Andrea Brillantes, at Grae Fernandez sa ilalim ng direksyon ni Dan Villegas at Onat Diaz.

Call Center ng bangko walang ginagalang na oras

Pinipeste rin ba kayo ng mga call center agent ng mga credit card n’yo?

Naku relate na relate ako dryan dahil sa hindi nakakatuwang pang-iistorbo ng call center agent ng Metrobank Card.

Hindi pa due date ang bayaran mo, tatawagan ka na. At kung na-overlooked mo naman, hindi ka tatantanan. Parang hindi ka nagbabayad. As in ang gagamitin pa nilang number ay No Caller ID at ‘pag hindi mo sinagot, lilinlangin ka ng ibang number.

Eh ‘pag na-late ka namang magbayad may penalty naman silang sini­singil, so bakit kailangan kaya nilang mangulit? As in walang respeto sa oras.

Buti sana kung nagma-max up ako ng credit card. Eh wala pa nga sa 10% ng maximum credit limit ko ang nagamit ko.

So paging Metrobank. Sana rin may disiplina ang mga agents n’yo. 

                                                          

CHARICE PEMPENGCO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with