^

Carla hindi makapaniwala sa tinanggap na award sa Vietnam

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - January 11, 2017 - 12:00am

Ipinost at ikinuwento ni Carla Abellana sa Ins­tagram (IG) ang experience niya sa Vietnam nang tanggapin ang award na Most Favorite Foreign Actress sa Today’s TV’s Face of the Year Awards 2016 na ginawa last January 7.

“Would you believe I was shive­ring the entire time? I was that ner­vous! In fact, I believe I only stopped shivering the moment I sat down with the trophy in my hand. It’s because I never in my wildest dreams did I imagine I would one day walk down the red carpet at the Saigon Ope­ra House in Vietnam! Such a beautiful, iconic and well-preserved structure for the arts. And to receive an award? How surreal! I am truly grateful.”

Ang Today TV ay isa sa first Vietnamese TV stations na nag-air ng Filipino drama series. Ipinalabas doon ang tatlong tele­seryes ni Carla-Kung Aagawin Mo Ang Langit, My Husband’s Lover at My Destiny. Pawang hit ang tatlong shows at doon nakilala si Carla ng Vietnamese fans and viewers.

Lyca feel na mukhang mayaman na

Kabilang kami sa mga nagulat nang makita si Lyca Gairanod sa presscon ng Tatlong Bibe dahil nagdadalaga na ang 12-year-old na The Voice Kids 1st grand winner. Noong makita namin siya sa launching ng kanyang album at ‘pag napapanood sa TV, bata pa siya, pero sa personal, dalaginding na pala ito.

Nakasabay namin siya sa restroom ng Max’s Roces na naglalagay ng kaun­ting lipstick at inaayos ang sarili sa harap ng salamin. Conscious na ang bagets sa looks niya at sa interview, nahihiyang inamin nitong crush niya si Marco Masa na kasama niya sa Tatlong Bibe ng Regis Films at showing sa March 1.

Mahusay na ring sumagot sa mga tanong si Lyca, gaya ng kung ano ang feeling niya na hindi ang Star Cinema ang nagbigay ng movie sa kanya. Masaya pa rin daw siya dahil may nagbigay sa kanya ng pelikula dahil gusto rin nitong umarte.

Sa pinansin ng mga reporter na malaki na ang ipinagbago niya at mukha na siyang yayamanin “Tama lang po” ang sagot nito.

“Malaki na ang ipinagbago ng buhay ko at natupad ang pangarap kong ma­ging sikat na singer. May bahay at sasakyan na rin kami at may mga show ako abroad,” sagot nito.

Sa February 13, ang premiere night ng Tatlong Bibe sa direction ni Joven Tan. Tiniyak ni direk Joven na walang pinatay na bibe sa paggawa niya ng pelikula o kung anumang hayop.

Si direk Joven din pala ang director ng solo movie ni Mommy Dionisia to be produced by Regis Films at sa March na raw ang simula ng shooting. Kung sa Tatlong Bibe nag-drama si Mommy Dionisia, ang solo movie niya ay fantasy.

Daiana nagkaroon ng blessings nang makawala sa asawa

Natawa kami sa narinig na reaction ng isang reporter nang makita si Daiana Meneses sa presscon ng The Fiercest of Them All, ang fantasy series/reality competition about modeling na kanyang ihu-host. Ang dami kasing pinagdaanang problema ni Daiana, pero ang ganda-ganda pa rin niya. Kaya tama ang reaction ng reporter na “Nasaan ang hustisya?”

Diborsyada na si Daiana, “I’m relieved and I’m very happy. But I did not regret anything. Ang regret ko lang, ang tagal akong nauntog, pero part ng buhay ko ‘yun. After ng divorce, ang daming blessings na dumating sa akin,” wika nito.

Three years tumagal ang relasyon ni Daiana sa ex-husband. Balak daw niyang magpaligaw at magmahal uli. “Oo naman, I need someone, pero natuto na ako. Hindi na ako masyadong magse-share ng personal life ko,” sabi ni Daiana.

Mapapanood ang The Fiercest of Them All star­ting March 5, 9 p.m., sa GMA News TV. 

CARLA ABELLANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with