^

PSN Showbiz

Dahil sa pamilyang nag-feeling, sikat na singer-actress naging nega sa mga kababayan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Bibihira talaga ang bayaning tinatanggap sa kanyang sariling bayan. Palibhasa’y maraming alam ang mga taong nakasaksi sa kanyang paglaki, ang mga kuwento ay kaliwa’t kanan, kaya habang dinadakila siya ng iba ay parang hindi naman siya tanggap sa kanyang sariling balwarte.

Ganu’n mismo ang nangyayari sa isang popular na female personality. Namamayagpag ang kanyang career, mayaman na siya, pero hindi masaya para sa tagumpay niya ang mga taong nakasabayan niyang nangarap at lumaki.

May kuwento na dati’y naglalakad lang siya mula sa kanilang bahay hanggang sa eskuwelahan dahil wala siyang pamasahe. Mula sa mahirap na pamilya ang babaeng personalidad, pero meron siyang talento, ‘yun ang nagdala ng suwerte sa kanyang pamilya.

Pero krimen ba ang magtagumpay? Wala bang karapatang gumanda ang buhay ng ating kapwa? Bakit sa halip na ipagmalaki ang kanilang kababayan ay parang puro pintas pa ang naririnig tungkol sa popular na babaeng personalidad?

Kuwento ng isang dating kasa-kasama sa pagsali sa amateur contest ng sikat na ng female singer ngayon, “Actually, mabait ang girl. Ang naglalagay ng distance between her at sa mga ka-community nila, e, ang family niya.

“Sila dapat ang nakikisama du’n dahil nasa ibang lugar na ang girl, sila ang naiwan du’n, sila dapat ang nagpaparamdam sa mga kababayan nila na walang nagbabago, sila pa rin ang dating pamilyang nakatira du’n, pero sinuwerte lang sa buhay dahil sa pagsikat nga ng female personality.

“’Yung lumabas na kuwento na ayaw niyang mag-perform sa fiesta nila nang walang talent fee, hindi alam ‘yun ni ____(pangalan ng popular na singer-actress). Kung nakakantahan nga naman niya nang libre ang ibang bayan, ‘di lalo na niyang gugustuhing ma-entertain ang mismong mga kababayan niya?

“Pero pinangunahan siya ng mga kadugo niya mismo, nag-charge sila sa committee, walang alam ang girl tungkol sa invitation sa fiesta nila! Mabait ang girl, very generous, madali siyang kausapin.

“Dadalhin niya ang sarili niya sa fiesta kung nasabihan lang siya. Promise, dadalhin niya talaga ang sarili niya du’n para mapasaya ang mga kababayan niya,” pagbibigay pa ng clue ng aming source tungkol sa popular na singer-actress.

Ubos!

AiAi ayaw nang seryosohin ang paghabol ni Kris sa GMA

Tama lang ang ginagawa ni AiAi delas Alas. Idaan na lang niya sa pagkokomedya ang sagot sa tanong kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag harap-harapan na silang nagkita ni Kris Aquino sa bakuran ng GMA-7?

“Siguro nga, miss na miss na niya ako!” tanging sagot ng Philippine Comedy Queen nang masukol siya isang araw ng mga reporters. Tama lang ‘yun, tutal naman ay magaling siyang komedyana, maiintindihan na ‘yun ng marami.

Isa sa mga ideyang unang pumasok sa isip ng marami nang pumirma ng contract sa APT Entertainment si Kris ay ang matagal na nilang hidwaan ng komedyana. Sinundan na naman daw ng aktres-TV host ang nananahimik na nitong dating BFF.

Totoo namang hindi pag-aari ni AiAi ang produksiyon ni Mr. Tony Tuviera, hindi rin niya puwedeng harangan ang GMA-7 sa kung anumang proyektong gagawin ni Kris sa istasyon, pero giit ng mga maka-AiAi ay merong salitang delicadeza.

Bakit daw kasi kung saan nandu’n si AiAi ay saka naman du’n nagsusumiksik si Kris? Nananadya raw ba ito? Nang-iinis daw ba talaga ang dating spoiled personality ng Dos?

Pero isang malawak na playground ang showbiz na lahat ay puwedeng makipaglaro. Depende na lang ‘yun sa kipkip na talento ng personalidad, depende sa atake niya ng pakikisalamuha, pero libreng pumasok ang kahit sino sa maliit lang namang mundo ng showbiz.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with