Ogie ibinunyag ang sikreto sa batam-batang hitsura
MANILA, Philippines - Wow, magpu-49 years old na pala si Ogie Alcasid sa August 27 pero parang hindi tumatanda ang kanyang hitsura. Bukod sa pagkain daw ng tama at pagkakaroon ng sapat na exercise, ano pa nga kaya ang sikreto niya sa kanyang batam-batang hitsura? “Palagay ko, ah, at saka siguro dahil meron akong 4-year-old (son, Nate) ‘di ba? Kita mo naman sa posts ng asawa ko para kaming ano sa bahay ‘di ba, takbuhan nang takbuhan, sayaw kami nang sayaw. Hindi nawawala ‘yung pagka-totoy ko. Kaya siguro in-embrace ko naman na I’m nearly 50 pero I don’t think we should not forget the child in us,” kuwento ni Ogie nang makausap ng entertainment press over lunch sa Ryu Ramen in Tomas Morato nu’ng isang araw.
Na-realize ni Ogie na kahit magpu-49 years old na siya ay para pa rin siyang totoy sa kanyang mga hilig. At dahil nauuso na naman ang Pokémon ngayon, inilabas niya ang larawan ng kanyang mga koleksyon ng Pokémon toys at comics sa kanyang Instagram account. Binili umano ni Ogie ang Pokémon toys twenty years ago.
Hindi rin daw niya pansin ang mga nararamdaman ngayong medyo nagkakaedad na siya at positibo lagi sa pananaw sa buhay.
Malamang malaki ang naitulong ng pagiging child at heart ni Ogie para sa kanyang youthful glow.
Magkakaroon siya ng birthday concert titled Ayokong Tumanda sa Aug. 26 and 27, at ibinahagi ni Ogie na gusto niyang lagyan ng bago ang kanyang mga kakantahin. Nakilala kasi si Ogie sa kanyang ballad songs at kahit puro kanta raw niya ang kanyang aawitin ay may pakulo pa rin siya. May mash up songs daw ng mga bagong kanta na tipong tunog Justin Bieber o Justin Timberlake ang maririnig.
Guest din niya sa kanyang birthday concert sina Lara Maigue at Davey Langit, Q-York, Basti Artadi, Empoy at siyempre, hindi mawawala ang kanyang misis na si Regine Velasquez-Alcasid na may sorpresa ring gagawin. Guest din sa concert ang kanyang kaibigan at distant cousin pala na si AiAi delas Alas. Produced by A-Team Talent Agency at PLDT Home/DSL ang Ayokong Tumanda na gaganapin sa Music Museum. Si Maestro Ryan Cayabyab naman ang musical director with Floy Quintos as stage director.
- Latest