Waging Miss Manila 2016 pinatunayang hindi lang siya puro ganda
Rodel C. Lugo (Pilipino Star Ngayon) - June 30, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Pinatunayan ni Cristalle Tolentino na isa siyang tunay na beauty with brains. Hindi lang kasi sa final Q&A ng pageant kinabog ng bagong Miss Manila 2016 ang 32 candidates na nakalaban niya dahil maging sa mga naunang Q&As ay talagang angat siya sa kanyang pagsagot.

Sa isang Q&A sinabi nito na wala siyang nais baguhin sa kanyang buhay kahit may regrets siya dahil, “there are so much better things that happened to me that made me forget those failures and sadness. I believe I am a woman with so much optimism, grace, and confidence.

“I could continue living my life the way I am,” sabi ng dalaga.

Hindi naman kataka-taka na magaling sumagot si Cristalle dahil cum laude ito na graduate sa University of Santo Tomas.

Nagwagi si Cristalle ng P500,000 cash prize and a management contract with Viva Entertainment. Nasungkit din niya ang Miss Photogenic at Best in Evening Gown special awards.

Bahagi ng kanyang responsibilidad bilang Miss Manila ang pagsali sa mga community service tulad ng medical missions, projects on education, at feeding programs benefiting the non-profit institution MARE Foundation.

Ang iba pang nagwagi ay sina Joanna Marie Rabe (4th runner-up), Kristel Guelos (3rd runner-up), Ganiel Akrisha Krishnan (2nd runner-up) at Mercegrace Raquel (1st runner-up).

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with