^

PSN Showbiz

Busabos ang tingin sa mga kasama magandang aktres na mabait ang image, sobrang magmaldita sa driver at PA

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Madaya talaga ang panglabas na anyo lang. May mga personalidad na akala mo hindi kayang pumatay ng kahit langaw lang, pero kakaiba pala ang ugali sa likod ng mga camera, nakakatakot ang kanilang ugali.

Umalis na sa poder ng isang magandang aktres ang kanyang driver at alalay. Pinlano ‘yun ng dalawa, sabay silang umalis, gusto nilang pilayin ang magandang aktres na ilang taon din nilang pinagsilbihan.

Marami silang reklamo, ibang-iba raw ang ugali ng babaeng personalidad sa likod ng mga camera, may mga pagkakataon palang pinlano na nilang mag-walkout habang nasa shooting ang aktres pero natatakot lang silang kasuhan ng kanilang amo.

Kuwento ng aming source, “Ang layo ng ugali niya sa nakikita lang ng mga tao. Mahinahon kasi siyang magsalita, magalang siya sa mga interbyu, pero sa totoong buhay naman pala, e, kabaligtaran siya nu’n!

“Parang busabos ang tingin niya sa mga kasama niya, pagalit siya kung mag-utos, hindi siya marunong magsalita nang maayos. Hindi rin siya marunong gumamit ng salitang please.

“Kung makapagbigay siya ng donation para sa mga nangangailangan, e, wagas na wagas, pero ang mismong mga kasama niya, palaging gutom habang nagtatrabaho.

“’Yun din siguro ang reason kung bakit palaging short lived lang ang pakikipagrelasyon niya. Sa katagalan, e, nadi-discover ng boyfriend niya ang tunay niyang ugali,” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Dapat daw sana’y mapagmahal sa maliliit na tao ang kilalang aktres dahil galing din siya sa hirap. Gumanda lang ang kanyang buhay nang mag-artista na siya pero sa halip na magpasalamat sa mga biyayang tinatanggap niya ay masyadong palalo ang female personality.

“Kahit sa mismong family niya, hindi siya mabait. ‘Yun lang ang akala ng mga tao, kasi nga, parang siya ang breadwinner. Pero kung alam lang nila, grabe siya, mismong pamilya na niya, e, hindi rin niya tinatrato nang maayos,” pagpapatotoo pa ng aming source.

Ubos!

Sunshine umaapaw ang mga bitbit na bala sa asawa at kabit!

Marami kaming kaibigan at kakilala sa ospital na pinagtatrabahuhan ng babaeng itinuturo ni Sunshine Dizon na karelasyon ng kanyang mister na si Timothy Tan.

Walang pinipiling lugar ang tsismis. Kasabihan nga na habang naghihirap ang isang bansa ay lalong nalululong sa tsismis ang buong sambayanan. Escape ang tawag du’n.

Sa ospital, sa bangko, sa palengke, sa kahit saan ay buhay na buhay ang industriya ng tsismis. Nang lumabas ang pangalan ni Clarisma Soriano-Sison sa social media na si Sunshine mismo ang naglantad ay nabulabog na ang mga nagtatrabaho sa ospital.

Kuwento ng isa naming kaibigan, “Naku, siya na ang pinagpistahan sa hospital. Kilala kasi siya du’n. Wala na, kung totoong nakakagat ng tao ang dila niya kapag siya ang pinag-uusapan, e, baka putol na ang dila niya ngayon!

“May mga naghahanap talaga sa kanya, naglalakad siya nang walang ulo, kasi nga, siya ang itinuturong other woman ni Sunshine,” reaksiyon ng aming source.

Matatapang pa diumano ang dalawa, pasok daw nang pasok sa gulo si Sunshine nang wala namang mga hawak na ebidensiya. Hindi raw totoong bumibiyahe sila nang magkasama, guni-guni lang daw ‘yun ng aktres, kaya tantanan na sana sila.

Nagsisinungaling ba ang flight manifesto? Nagulantang sina Timothy at Clarisma, punumpuno pala ng bala si Sunshine sa giyerang pinasok niya, kaya tuloy na tuloy na ang kanilang pagtutuos sa husgado.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with