Janine at Thea parehong natakot sa halik ni Aljur
Rodel C. Lugo (Pilipino Star Ngayon) - June 4, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ano kaya ang mayroon kay Janine Gutierrez at sinasabing nakapagpapabago siya ng kanyang mga nagiging leading men? Ganito kasi ang napansin ng mga reporter sa nangyari kina Elmo Magalona (dati niyang leading man sa More Than Words) at kay Aljur Abrenica na kapareha niya sa ongoing series na Once Again.

“May ganun akong effect,” sabay tawa ng aktres. Mas madaldal na kasi si Aljur ngayon at pala­kuwento na rin.

Mas naging close nga ang dalawa sa Once Again kaysa noong nagkatrabaho sila sa Dangwa kasama si Mark Herras.

Ayon kay Aljur, marami na kasi silang time ngayon na magkasama kum­para noon sa Dangwa. Ibinuko pa niya na hindi raw ito bumababa ng van at iba ang kanyang kinakain noon na kinontra naman ng dalaga.

Aminado rin si Janine na close na sila ng actor.

 “Unfortunately, ka-close na kita,” pagbibiro ni Janine kay Aljur. Sa sobrang close nga nila ay inamin ng dalaga na halos hindi na siya patulugin ng Kapuso hunk actor sa rami ng kuwento nito. “Hindi ako makatakas (sa kwento niya). Pati sa eroplano hindi ako makatulog,” tsika pa ni Janine nang bisitahin namin sa taping.

Pagdating naman sa kissing scene ay medyo ilang pa rin ang aktres. “Takot me!,” natatawang kwento ni Janine.

Maging si Thea Tolentino na kasama rin nila sa serye ay parang nagulantang sa halik ni Aljur. Pag-amin kasi ng dalaga ay first on-screen kiss niya si Aljur.

Nang tanungin naman siya kung ano ang lasa ng labi ng hunk actor ay hindi ito masagot ng dalaga dahil nga nagulantang daw siya at walang nagrehistro sa kanya nu’ng time ng halikan nila.

MARIZ UMALI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with