Anak ni John Lloyd Cruz bibida sa Annie!
Rodel C. Lugo (Pilipino Star Ngayon) - June 2, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Ibang-iba ang dating ni Krystal Brimner nang magsampol ng kanta para sa Annie: The Muscial ng Resorts World Manila. Pamilyar ang magandang mukha ng bagets dahil siya pala ang gumanap na anak nina John Lloyd Cruz at Meryl Soriano sa 2015 Metro Manila Film Festival’s (MMFF) controversial movie na Honor Thy Father na ngayon nga ay bida sa Annie.

Base sa pinakita niyang galing sa press conference, mukhang maaring sundan ni Krystal ang kapalaran ni Lea Salonga na gumawa ng ingay noong 1980 para sa musical production ng Repertory Philippines na Annie.

Ayon kay Krystal na isang half-Pinay, half-Scottish masaya siyang naka­trabaho si John Lloyd na isang magaling na aktor. Marami umano siyang natutunan nang gawin nila ang pelikula ni Direk Erik Matti. At dahil sa likas na talento sa pag-arte ay nanalo siyang Best Child Actress sa 2015 MMFF, at tumanggap din ng awards mula sa Trinity University of Asia Platinum Stallion Media Awards at Gawad Guro Awards.

Masuwerte ang pakiramdam ng bagets dahil nakatrabaho na niya sa pelikula si John Lloyd at ngayon sa pagbibidahan niyang musical play ay ang veteran actor na si Michael de Mesa ang kanyang makakasama kung saan gaganap ang beteranong actor bilang ang mayamang si Oliver “Daddy” Warbucks.
Ayon pa sa batang aktres, kung sa pelikula raw ay laging sinasabi ng direktor na “cut”, sa stage play ay tuluy-tuloy lang at wala umanong lugar para magkamali.

Pero masaya naman daw ka­trabaho ang direktor ng Annie: The Musical na si Michael Stuart William. Pinapayagan daw sila nito na maglaro kung saan mas nakikilala ng mga batang cast ang isa’t isa. Dahil din dito ay naging kumportable na sila para rin mas mapaganda ang kanilang samahan.

Ang hahalili naman kay Krystal bilang Annie ay si Isabeli Araneta Elizalde na galing sa prominenteng pamilya. Bumibida na ang 10 taong gulang sa mga stage play sa kanilang eskuwelahan pero ang Annie umano ang kanyang major stage play.

Ang Annie ay ang pang-pitong major stage production na handog ng Resorts World Manila. Magsisimula itong mapanood sa Setyembre 30 ngayong taon sa Newport Perfroming Arts Theater.

Kabilang din sa cast sina Menchu Lauchengco-Yulo, Jill Peña, Red Concepcion at Mako Alonso.                        

CABINET POSITIONS RODRIGO DUTERTE SALVADOR PANELO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with