May-ari ng mga Hermes bag na pinipintahan ni Heart, foreigner ang karamihan
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - June 2, 2016 - 12:00am

Dahil tapos na ang eleksyon, balik sa pagpipinta si Heart Evangelista.

Tinupad ni Heart ang pangako na babalikan na niya ang pagpipinta ng mga Birkin bag kaya natuwa ang mga naghintay sa kanyang availabillity.

Take note, mga foreigner ang mga kliyente ni Heart at talagang ipinagkakatiwala nila sa asawa ni Senator Chiz Escudero ang kanilang mga expensive bag.

Gamay na gamay na ni Heart ang ginagawa nito kaya hindi siya kinakabahan na baka pumalpak ang mga hand-painted design niya sa Birkin bags. Nakaka-proud ang latest art work ni Heart na nakita ko dahil pang-world class ang level. Naiimbitahan si Heart sa mga event ng Hermes dahil napansin ng mga executive ng sosyal na brand ng bag ang talent niya sa pagpipinta.

Vic at AiAi tuloy na sa Bahay….

Malapit nang magbabu ang Vampire Ang Daddy ko dahil papalitan ito ng Hay Bahay, ang bagong sitcom ng GMA 7 na magsisimula sa June 19.

Starring sa Hay Bahay sina Vic Sotto at AiAi delas Alas, ang mga Box Office King & Queen ng bansa natin.

Tatlong taon din na namayagpag sa telebisyon ang Vampire Ang Daddy Ko kaya siguradong mami-miss ito ng loyal viewers ng Sunday primetime sitcom ng Kapuso Network.

Subok na ang malakas na hatak sa masa nina AiAi at Bossing na unang nagtambal sa sitcom na 1 For 3, ang huling comedy show ng Comedy Queen bago ito nag-ober da bakod noon sa GMA 7.

Win at Mark sobra ang pagka-in love

Magkasama sa Hong Kong Disneyland sina Winwyn Marquez at Mark Herras na hindi inaamin ang tunay na relasyon pero obvious na sobrang in love sa isa’t isa.

Hindi na kailangan ng dalawa na umamin dahil ayon sa kanilang mga royal blue rubber shoes, magdyowa na sila. Para magsuot ng identical couple shoes sina Mark at Winwyn, confirmed na going strong ang kanilang love affair. Sa mga akbay pa lang ni Mark kay Winwyn, malinaw na boyfriend-girlfriend na ang relasyon nila.

P-Noy parang tumandang Bimby

Ang galing-galing ni Vicky Morales sa interbyu niya kay outgoing Philippine President Noynoy Aquino.

Napanood ko sa TV ang pag-uusap nina Vicky at P-Noy. Bilib na bilib ako sa paraan ng pagtatanong ni Vicky dahil kahit sensitive ang mga isyu, nagawa niya na pasagutin si P-Noy.

Simple pero very relevant ang questions ni Vicky na napaka-plea­sant ng personality kaya kahit kontrobersyal ang topic, hindi nakaka-offend ang kanyang pagtatanong.

Super close up ang mga shot kay P-Noy ng cameraman. Marami tuloy ang nakapansin na kamukhang-kamukha pala ni P-Noy ang kanyang pamangkin na si Bimby Yap, ang bunso ni Kris Aquino. Ayan, may idea na tayo sa magiging hitsura ni Bimby kapag nagbinata na siya.

Maja biglang kambyo

Hindi man naging visible si Maja Salvador sa mga special screening ng Tatay Kong Sexy, super promote naman siya sa social media ng pelikula nila ni Senator Jinggoy Estrada.

Nagpapasalamat si Papa Jinggoy sa lahat ng mga tumangkilik sa Tatay Kong Sexy na nagbukas kahapon sa mga sinehan dahil positive ang reviews at mga feedback. Walang nagsabi na pangit ang pelikula dahil talagang maganda ito.

CHINESE PRESIDENT XI JINPING RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with