^

Sarah super healthy!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 27, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Wala naman palang sakit si Pop Princess Sarah Geronimo.

Marami kasi ang nag-panic na fans sa advisory ng MTV Asia na medical reasons ang dahilan kaya hindi na makakasali si Sarah sa MTV Music Evolution na gaganapin sa June 24 sa SM MOA Concert Grounds na pangungunahan ng American rock band na One Republic at JaDine. Health comes first daw ayon sa tweet ng MTV Asia dahil nga sa medical reasons.

Pero mismong si Viva Boss Vic del Rosario ang nag-confirm na walang sakit si Sarah sa reply niya nang tanungin ko via text.

Maraming fans ang nag-panic sa nasabing issue. Pero wala naman palang dapat ipag-alala.

Besides, napaka-health conscious kaya ni Sarah. Grabe rin siyang mag-gym at hindi naman mahilig sa mga unhealthy food.

At kung napalitan man daw siya as coach sa The Voice Kids ni Megastar Sharon Cuneta, bali-balitang may kapalit naman daw ito. Isa raw si Sarah sa magiging mentor sa sisimulang band reality contest ng ABS-CBN. Wala pang confirmation ang kampo ni Sarah tungkol dito.

Saka kung hindi man siya napapanood regularly sa mga prog­rama ng ABS-CBN, padagdag naman nang padagdag ang endorsement ni Sarah girl kaya hindi siya nami-miss ng fans.

Fans naaligaga sa kissing photo na ipinakita ni James

Kilig overload ang ipinost ni James Reid na kissing photo nila ng girlfriend na si Nadine Lustre pero may red X mark.

Aligaga ang fans sa pagla-like at yesterday naka-almost 130,000 likes with 6,000 comments, ilang oras lang pagkatapos itong i-post.

Naka-caption sa nasabing photo ang “the best birthday party I’ve ever had and I’ve had some WILD ones. #thankslove”

Ang nasabing photo ay kuha sa inihandang surprise party ni Nadine for James noong birthday nito last May 11.

Kasalukuyang nasa Canada ang hottest loveteam para sa kanilang JaDine High On Love concert tour.                                              

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with