Piolo ipinagpaalam si Dawn sa mister bago landiin; Kanilang-kanila raw ang similya, Hayden nilinaw na 100% na anak nila ni Dra. Vicki si Scarlet
SEEN SCENE - Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2016 - 12:00am

SEEN: Bigo si Ynna Asistio na magpapayat dahil walang nagbago sa hugis ng katawan niya. Itim ang kulay ng mga damit na madalas gamitin ni Ynna para maitago nito ang unwanted bulges.

SCENE: Regular ang pagpunta ni Piolo Pascual sa gym para sa kanyang kalusugan, hindi para hangaan ng mga tao ang katawan niya. May mga topless scene si Piolo sa Love Me Tomorrow, ang unang pagsasama nila ni Dawn Zulueta sa pelikula.

SEEN: Idea nina Piolo Pascual at Dawn Zulueta na magsama sa isang movie project. Hiningi ni Piolo ang permiso ni Congressman Anton Lagdameo, ang asawa ni Dawn.

SCENE: Ipinangampanya ni Dennis Padilla noong nakaraang eleksyon ang mga kalaban sa pulitika ng mga Estrada sa San Juan City. Natalo ang mga kandidato na kinampihan ni Dennis na nakalimutan ang pagiging magkaibigan ng kanyang sumakabilang-buhay na ama at ni Manila City Mayor Joseph Estrada.

SEEN: Hindi nakuha ni Baron Geisler ang simpatiya ng publiko dahil mali pa rin ang pananakit na ginawa niya sa UP student na napagbuntunan ng kanyang galit. May sakit ang nanay niya at hindi naging propesyonal ang UP student ang depensa ni Baron sa kanyang inasal na hindi nararapat tularan.

SCENE: Naging kontrobersyal at naging sentro ng mga intriga ang tahimik na sana na pamumuhay nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. dahil sa kanilang pag-amin na may anak sila.

SEEN: Ang paglilinaw ni Hayden Kho, Jr. tungkol sa anak nila ni Dra. Vicki Belo, “I’d like to clarify that Scarlet Snow’s surrogate mom was only a carrier and has ZERO genetic contribution to her. She is 100% our daughter.”

SCENE: Ang story conference kahapon ng bagong pelikula na gagawin ni Dingdong Dantes sa Star Cinema. Makakasama ni Dingdong sa project ang dating Kapuso actor na si Paulo Avelino.

MAYNILA SAMPALOC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with