^

Mariel namamakyaw na raw ng mga gamit ng baby

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Abala na pala si Mariel Padilla sa pamimili ng mga branded na gamit ng pang-baby. Ito ay kahit wala pang formal na pag-amin na buntis nga siya sa ikatlong pagkakataon.

Ganito rin daw noon ang ginawa ni Mariel nang una siyang magbuntis. Inuna niya ang shopping ng mga gamit ng baby. Pero sadly, parehong hindi natuloy ang kanyang ipinagbubuntis ng dalawang beses. Maaalalang kumalat last week ang balitang preggy na naman ito.

Mga eksena ni Mark Gil hindi puwedeng i-edit

Hindi raw pala puwedeng i-edit ang mga eksena ng namayapang actor na si Mark Gil sa pelikulang Tatay Kong Sexy na pinagbibidahan nina Sen. Jinggoy Estrada (na magdadalawang taon na sa Custodial Center sa Camp Crame) at Maja Salvador, na after two years ay ipalalabas na sa June 1.

Importante raw ang nasabing eksena. May mga nag-suggest kasi na bakit hindi na lang i-edit ang mga eksena ng namayapang actor para hindi magmukhang luma.

Pero nang mapanood namin ang trailer, true ang sabi ni Nay Lolit Solis sa kanyang column na hindi mukhang two-year old nang tapos ang pelikula na idinirek ni Jose Javier Reyes na incidentally ay never palang dumalaw kay Sen. Jinggoy sa Custodial Center kahit ngayong ipalalabas na ang pelikula nila.

Yup, hindi man lang daw ito sumilip bilang suporta man lang sa pelikulang ipalalabas para sa selebrasyon ng Father’s Day.

Almost 100% finish na ang pelikula nang makulong si Sen. Jinggoy dahil sa akusasyon sa PDAF scam. Tatay lang ang original title nito pero naisip nilang dagdagan ng sexy dahil sa tawag sa kanya ng testigong si Benhur Luy sa Janet Napoles scandal.

Naisip ni Sen. Jinggoy na ilabas na ang pelikula dahil maluluma na, eh nanghihinayang naman sila.

Nakilalang action movie ang senador bago pa man na-discover na keri niya ring sumabak sa light-drama movie na Katas ng Saudi kung saan nanalo pa siyang best actor. At nang gawin niya ang pelikulang Magkaibigan na nagsilbing tribute sa kanyang kaibigang si Rudy Fernandez, mas lumabas ang acting niya.

Pero sa Tatay Kong Sexy, super light ang role niya na isang amang balo na may tatlong anak pero mai-in love sa isang babaeng ayaw ng kanyang mga anak.

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with