^

James napilay nang maitulak ng fans sa Vegas!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2016 - 10:00am

MANILA, Philippines – Pilay at nakasaklay ang kanang binti ni James Reid sa kumalat na picture niya kahapon sa Twitter matapos ang kanilang JaDine High On Love concert tour na nag-umpisa sa Las Vegas.

Awang-awa ang fans ni James and Nadine Lustre sa actor na parang hirap maglakad base sa mga kumalat na photos.

Ang kuwento ng isang fan, naitulak si James ng isang fan na kasama sa mga nagkakagulo nang pasakay ang magka-loveteam sa bus paalis ng Vegas. Tumama raw ang tuhod nito sa stairs ng bus. Masama raw ang tama kaya namaga agad kaya kinaila­ngang ipa-ospital si James.

Reklamo ng ibang fans, na-underestimate ng security ang dami ng fans. Hindi na umano na-control ang pagkakagulo ng fans kaya nasaktan si James.

Kaya nakikiusap ang ibang fans na maging maingat sa pakikipagtulakan para hindi na raw uli mangyari ang sinapit ni James.

Malamang din na todo ang pagprotekta ni James kay Nadine kaya si James ang napuruhan.

After Las Vegas, sa California ang next concert nina James at Nadine.

By the way, showing pa rin sa mga sinehan ang pinupuri and blockbuster JaDine movie na This Time. In all fairness, wala akong nabasang negative reviews sa pelikula nilang second week na sa pagpapalabas.

Magulong relasyon nina Dennis at Heart umpisa na

Ngayong gabi na ang simula ng balik-tambalan nina Dennis Trillo at Heart Evangelista sa isang medyo hot and sexy series na Juan Happy Love Story.

Very light ang simula ng series at nakaaaliw lang ang first two episodes na napanood namin sa ginanap na advance screening kamakailan.

In the series, Dennis is Juan, isang responsible and go-getter businessman who is also a certified chick boy. He meets Happy played by Heart, a feisty and family-oriented woman who relies on signs to find her the one.

Pero masusubukan ang kanilang buhay nang malaman nilang hindi sila magkakaanak. And their solution, mag-ampon ng bata.

Nag-umpisa ang lahat nang magkaroon sila ng whirlwind romance and eventually marry.

Pero mabilis silang nakaranas ng mga problema bilang mag-asawa kaya nagdesisyon silang maghiwalay. Pero mu­ling magsasama alang-alang sa inampon nilang bata.

Kaya lang may makikialam sa kanilang ‘problema.’ Papasok sina Agatha (Kim Domingo) and Bob (Joross Gamboa).

At doon na magsisimula ang mas malala nilang mga eksena.

Juan Happy Love Story is an original concept under the direction of LA Madridejos.

Mapapanood ito beginning tonight, from Monday to Friday after Once Again on GMA Telebabad.    

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with