^

Matagal nang plano John Lloyd gustong bumili ng bahay sa Amerika!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 14, 2016 - 10:00am

MANILA, Philippines – Gusto palang bumili ng bahay sa New York ni John Lloyd Cruz ayon sa isa niyang kaibigan.

Matagal na umano itong plano ng actor kaya kung mababalitaan nating madalas na siya sa Amerika ibig sabihin, either nakabili na siya o nakikipag-negotiate na sa mga realtor doon. Sa Queens, New York diumano ang target na lugar ng aktor.

Panahon na nga siguro na mag-invest si John Lloyd sa ibang bansa. Tiyak naman marami na siyang naipong datung. Sa rami ba naman ng hit movies at kung ilang taong kontrata sa ABS-CBN, tiyak kahit building sa Amerika kaya niyang bumili.

Besides, ang actor na rin daw ang nagde-decide sa career niya kaya solong-solo na nito ang kita niya.

Samantala, walang balita ang kausap ko kahapon kung guma­ling na ang nanay ni John Lloyd na matagal na raw nakikipaglaban sa sakit na breast cancer.

Sarah, Billy at Gary may kakaibang gagawin sa ASAP

Samahan ang cast ng pelikulang Love Me Tomorrow na sina Piolo Pascual, Coleen Garcia at Dawn Zulueta ngayong Linggo sa ASAP.

Panoorin din sa unang pagkakataon ang pinakabagong R&B group ng programa na kinabibilangan nina Kyla, Jay-R, Daryl Ong, Jason Dy at KZ Tandingan.

Hahataw din sina Sarah Geronimo, Billy Crawford at Gary Valenciano na magpapasabog sa dance floor.

Magpapasiklaban naman sa kakaibang dance showdown sina Maja Salvador, Enchong Dee, at Kim Chiu kasama sina Janella Salvador, Loisa Andalio, Jerome Ponce, Elmo Magalona, Nhikzy Calma, Bugoy Cariño, Sarah Lahbati, Jamie Herrell, MJ Lastimosa, ang Step Kids, at ang Higher Level Kids.

Isa ring swabeng sayawan ang handog nina Enchong Dee, Rayver Cruz at Ritz Azul.

Samantala, magsasanib-pwersa naman sina Juris, Kaye Cal, CJ Navato, Sue Ramirez, Erik Santos at Jolina Magdangal para sa ASAP LSS.

Miguel Tanfelix at Bianca Umali, gustong magbukas ng restaurant

It seems like malaki ang impluwensiya ng kanilang on-screen team up sa Kapuso teen actress na si Bianca Umali sa paghubog ng kanyang future plans. Three years pa bago s­iya magtapos ng high school pero right now, nag-iisip na si Bianca na magtayo ng isang restaurant kasama ang kanyang Wish I May love team na si Miguel Tanfelix na ngayon ay nagte-take up ng Entrepreneurship bilang kanyang college course. “Business and then culinary arts and then fine arts. Matagal po akong mag-aaral,” bahagi ni Bianca. “In the future, we might team up as business partners,” tsika pa ng Kapuso aktres.                   

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with