Piolo, Toni, at Sarah G may pasabog na sorpresa sa ASAP

MANILA, Philippines – Isang back-to-back-to-back concert treat ang handog nina Piolo Pascual, Toni Gonzaga, at Sarah Geronimo ngayong Linggo (April 3) sa ASAP. 

Makikipagrakrakan naman ang international sensations na sina Arnel Pineda at X Factor UK  finalist na 4th Impact habang huhugot naman sa kani-kanilang performances ang Himig Handog P-Pop Love Songs finalists.

Alamin kung ano ang theme song ng mga estudyanteng magtatapos ngayong 2016 sa ASAP Pinoy Playlist kasama sina OPM hitmaker Raymond Lauchengco at Gary V.

Kuwentong pag-ibig mula sa mga penpals, phonepals, at chatmates naman ang alay ng ASAP LSS kasama sina Erik Santos, Sitti Navarro, Daryl Ong, Juris Fernandez, Jolina Magdangal, at OPM icon na si Rey Valera.

Samantala, rarampa at makiki-party naman ang mga kandidata ng Bb. Pilipinas 2016 bilang paghahanda sa nalalapit nitong coronation night.

Kilalanin din ang online sensations na sina Mcneal Briguela at Jean Nunez na bibigyan ng pagkakataong ibahagi ang kanilang mga kwento sa One Lucky Day kasama si Luis Manzano.

Huwag palalampasin ang ASAP ngayong Linggo (Apr. 3), 12:15 PM, sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Maaaring mapanood ang replay ng episode sa iwantv.com.ph  o kaya sa skyondemand.com.ph  para sa mga Sky subscribers.

Show comments