Lalaking mukhang intelihente ang nabingwit Sa wakas, Rufa Mae engaged na!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - February 5, 2016 - 9:00am

Engaged na si Rufa Mae Quinto sa kanyang boyfriend ang pasabog na balita niya kahapon. Kasalukuyang nasa California si Rufa Mae, sa piling ng kanyang singkit na fiancé. Maliban sa engaged na sila ng dyowa niya, walang ibang impormasyon na ibinigay ang comedienne tungkol sa kanyang lovelife.

Nag-press release lang siya ng “Thanks my new family... For the love and support, for hosting, from throwing a wonderful, amazing, happy, lovely engagement dinner party. Can’t say much coz I’m so overwhelmed, yes to all my friends now in SF, thanks for coming.”

Siyempre, marami ang natuwa dahil natagpuan na ni Rufa Mae ang mhin na pakakasalan, matapos dumaan sa maraming relasyon na masalimuot.

Nagpralala na rin noon si Rufa Mae na magpapakasal na sila ng kanyang mystery dyowa pero hindi naman natuloy.

Ni hindi sinabi ni Rufa Mae ang name ng mhin kaya pinagdudahan na baka may sabit pa noon kung sinuman ang tinutukoy niya.

At least, may ebidensiya ngayon na totoong engaged na si Rufa Mae dahil kasama niya sa picture ang Chinese-looking guy na mukhang intelihente.

It’s about time na lumagay na si Rufa Mae sa tahimik dahil nasa legal age na siya at nagampanan na niya ang mga tungkulin para sa kanyang pamilya.

‘Bagong mukha’ ng TV5 simula na ngayong gabi

Reminder please, mapapanood na ngayong gabi sa TV5 ang mga television show na collaboration nila ng Viva, ang Born To Be A Star, Tasya Fantasya, Wattpad Presents, at MTV.

Ang Born To Be A Star ang talent search program ng TV5 at Viva.

Malay natin, baka ang Born To Be A Star ang maka-discover sa mga bagong Regine Velasquez, Sharon Cuneta, at Sarah Geronimo.

Subok na ang husay ni Boss Vic del Rosario sa pag-discover ng mga future superstar.

Starring naman sa Tasya Fantasya ang bagong loveteam nina Mark Neumann at Shy Carlos. Malaki ang tsansa ni Shy na sumikat dahil talented siya at hindi lamang ganda ang puhunan.

Ang Avah Maldita ang pilot episode ng Wattpad Presents na tinatampukan nina Ella Cruz at Akihiro Blanco. Weekly na ang Wattpad Presents at mapapanood ito tuwing Sabado pagkatapos ng Tasya Fantasya.

Edu Manzano maning-mani ang mga tanong tungkol sa problema ng bansa

Si Edu Manzano ang buwena mano sa celebrity candidate edition ng PEP Talk.

Ang sabi ng PEP staff, hindi sila nagkamali na unahin na interbyuhin si Edu dahil nasagot nito ang lahat ng mga isyu na itinanong nila. May mga solusyon din si Edu sa mga problema ng bansa at ng mga Pilipino.

Dahil sa bonggang interbyu kay Edu, sigurado raw na masusundan pa ang mga celebrity candidate na gustong ma-feature sa PEP Talk.

AiAi pumayag pilahan ng mga lalaki!

Pipilahan pala si AiAi delas Alas ng mga mhin sa bagong indie movie niya bilang laos na pokpok ang kanyang role.

Napahalakhak si AiAi nang banggitin ang name ng isang babae na puwedeng maging peg niya dahil literal na nalaos.

Hindi ko na sasabihin ang name ng girl dahil baka patulan niya ang isyu para sumikat siya at mapag-usapan. Sa true lang, bagay rin sa kanya ang role as in tailor made pero sorry na lang dahil si AiAi ang type ng producer ng Area.

Si Louie Ignacio ang direktor ng Area. Looking forward si Louie sa first shooting day nila dahil dream come true na makatrabaho niya si AiAi sa isang seryosong project.

ALIGN ANG DAHIL LEFT MGA NIYA QUOT RUFA MAE STRONG TASYA FANTASYA WATTPAD PRESENTS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with