^

Eugene matindi talaga ang galit kay Jose

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - February 4, 2016 - 9:00am

Nabigo ang mga reporter na malaman ang sagot ni Eugene Domingo tungkol sa pagkawala ni Jose Manalo sa Celebrity Bluff dahil “I mind” ang sagot ng star ng Dear Uge.

Ang entertainment columnist na si Jun Nardo ang nagsabi kay Eugene ng “I hope you don’t mind, kumusta na kayo ni Jose?” na sinagot ni Dear Uge ng “I mind” dahil presscon daw ‘yon para sa kanyang bagong show sa GMA 7 at hindi para sa Celebrity Bluff.

Iginalang ng mga reporter ang desisyon ni Eugene na hindi pa ready na magsalita tungkol sa co-host niya sa Celebrity Bluff na biglang nag-babu.

Abangan natin ang pagkikita ng dalawa sa Sunday PinaSaya sa February 14 dahil aapir si Eugene sa show nina Jose and company para i-promote ang pilot episode ng Dear Uge. Sa Valentine’s Day ang airing ng Dear Uge at ito ang araw, na hopefully, magtatagpo ang mga landas nila ni Jose.

Season break naman ang sagot ni Eugene nang tanungin siya tungkol sa Celebrity Bluff na magpapahinga muna sa ere.

Hoping si Eugene na magbabalik agad sa telebisyon ang original game show niya na namamayagpag tuwing Sabado ng gabi.

Ganadong-ganado si Eugene na magtrabaho dahil accepted na niya ang misyon na magbigay-aliw sa mga tao.

Maraming balak si Eugene para sa kanyang career ngayong 2016. Dalawang pelikula ang gagawin niya at kasama sa kanyang plano ang ma-in love.

Actually, natagpuan na yata ni Eugene ang tao na magpapasaya sa kanya at hindi ito ang natsismis na na-sight na kasama niya sa The Farm sa Batangas.

Ang sey ni Eugene, hindi niya alam kung saan nanggaling ang balita dahil kung hindi mga bading, ang kanyang pet dog ang kasama niya sa sosyal na wellness farm sa Lipa City.

Wala rin sa bokabularyo ni Eugene ang magkaroon ng anak dahil 44 years old na siya. Ayaw raw niya na maging selfish at kesa magkaroon ng anak, ibubuhos niya ang kanyang panahon sa sariling happiness.

Kahit kasong child abuse na-dismiss na Cesar at Sunshine hindi pa tapos ang laban, actor kinasuhan din ng rape ng ex-wife

Detalyado ang depensa at may mga ebidensya na ibinigay si Cesar Montano sa prosecutors office ng Quezon City para pabulaanan ang pangit na akusasyon na “nagbatibot” siya sa harap ng kanyang mga anak na babae.

Nag-submit din ng mga sinumpaan na testimonya ang mga saksi ni Cesar na nagpapatunay na walang pang-aabuso o kalaswaan na ginawa ang aktor sa mga anak nila ni Sunshine Cruz.

Most wanted man si Cesar noong Miyerkules dahil hinahanap siya ng mga miyembro ng media para sa reaksyon niya sa pagkakabasura sa kaso na isinampa ng kanyang estranged wife.

Hindi pa nagsasalita si Cesar kaya hoping ang press na kung hindi siya magpapainterbyu, magbibigay ng statement ang legal counsel niya na nagtanggol sa kanya.

Hindi pa tapos ang legal battle nina Cesar at Sunshine dahil hindi pa naglalabas ng desisyon ang korte tungkol sa kaso ng rape na demanda rin ng aktres laban sa ama ng kanyang mga anak.

ACIRC ALIGN ANG CELEBRITY BLUFF DEAR UGE EUGENE LEFT MGA NIYA QUOT STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with