Beauty products na may halong darak, ikinayaman ng isang ina
(Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Karaniwang hinahalo ang darak o pinagbalatan ng palay sa kaning baboy. Pero lingid sa kaalaman ng karamihan, masustansiya at mabuti rin ito sa katawan.

Sa katunayan, hinahalo ng negosyanteng si She Quintana ang darak sa kanyang mga tindang pampaganda dahil mayaman ito sa antioxidants, vitamin E, minerals, at epektibong pampakinis.

Itatampok ni Karen Davila ngayon sa My Puhunan ang kuwento ni She na nakipagsapalaran muna sa iba’t ibang uri ng negosyo bago natagpuan ang pag-asenso sa mga produkto niyang may halong darak oil.

Talaga namang pumatok ang mga produkto niya gaya ng sabon at shampoo. At mula sa simpleng pagawaan sa kusina, world-class na ang mga produkto ni She – ang Oryspa.

Sa kasalukuyan, mayroon na silang 23 branches at umaabot na rin ang ka­nilang mga produkto sa Singapore.

Higit sa 50 na produkto na ang ka­ni­lang ine-export, kabilang na ang painkiller, pabango, at body scrub.

Abangan ang kwento ni She sa My Puhunan, mamaya pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN o sa mas maagang oras sa DZMM TeleRadyo (SkyCable channel 26), 9:30PM.

ABANGAN ACIRC ANG BANDILA HIGIT ITATAMPOK KARANIWANG KAREN DAVILA MY PUHUNAN ORYSPA SHE QUINTANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with