_ngayon
^

PSN Showbiz

Derek ginagawang sandalan ni Angelica?!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay nag-text daw si Angelica Panganiban sa da­ting kasintahan na si Derek Ramsay upang batiin ang aktor dahil kaarawan nito. Matatandaang anim na taon naging magkarelasyon noon sina Angelica and Derek at hindi naging maayos ang kanilang paghihiwalay. “I’ve been hoping and praying talaga na magkaayos kami, magkabati kami. Kasi six years is six years, kaya sobrang thankful ako na nag-text siya sa akin. Sabi niya, ‘Uy! Belated happy birthday Derek---Gel’ Nakakatawa nga kung paano siya mag-greet eh. So sabi ko, ‘Thank you very much. Gel who? Angel who?’ ‘Baliw, ex mo.’”  Nagpalit na kasi siya ng number. Bago na ‘yung number niya,” 8nakangiting kwento ni Derek. 

Nagbigay din ng reaksyon ang aktor tungkol sa napababalitang hiwalay na diumano sina Angelica at kasintahang si John Lloyd Cruz. “Hindi totoo ‘yan. She told me about her plans, the thing they do for the holidays. But anyway, that’s not for me to get into details. Ang alam ko lang, hindi sila hiwalay,” pagbabahagi ni Derek. 

Gusto raw manumbalik ng aktor ang pagiging malapit na magkaibigan nila ni Angelica katulad ng turingan nina Derek at Solenn Heussaff. 

Tumagal ng siyam na taon ang relasyon nina Derek at Solenn noon at hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin ang dalawa. “Why not? Mas okay kung gano’n. Kaso iba-iba rin ang tao ‘di ba? Solenn is a very special to me and my family. ‘Yung pamangkin ko, ipinangalan pa after her,” pagtatapos ng aktor.

Vice Ganda hindi na nakararanas ng pamba-bash sa social media

Hindi na raw gaanong nakararanas ng pamba-bash online si Vice Ganda ngayon na muling namamayagpag sa ratings ang It’s Showtime. “Actually nanahimik silang lahat. Sobrang nanahimik silang lahat,” bungad ni Vice. 

“Dati kasi kahit mga walang kinalaman sa akin o sa Showtime o sa mga site sa ABS-CBN, makikita mo talaga ‘yung mga talak, mga mura, mga kung anu-ano pa. Ngayon ang sarap magbasa. Na-normalize na ulit ang social media. Wala nang nagba-bakulaw. Talagang hindi mo dapat paniwalaan ‘yung mga bashers na ‘yan. Hindi totoong madami sila. Nagdadami-damihan lang sila at wala talaga silang kapangyarihan dahil ‘yung mga bashers, walang kakayahang bumili ng ticket. Ang may kakayahang bumili ng ticket ‘yung supporters. Kaya do’n tayo sa supporters mag-concentrate hindi sa mga bashers,” pagbabahagi ng komedyante. 

Samantala, masayang-masaya si Vice dahil tatlong taon nang nagiging top-grosser sa takilya ang kanyang mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF). “Mas masaya kung sa akin talaga ‘yung kita ha-ha-ha! Mas masaya po ‘yung mga taong nakapaligid sa akin, ‘yung mga kapatid ko, ‘yung barkada ko, ‘yung management ko,” giit pa niya.  

ACIRC ANG ANGELICA AND DEREK DEREK HINDI MGA NBSP QUOT STRONG VICE GANDA YUNG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with