_ngayon
^

PSN Showbiz

Gustong bantayan, Mariel takot na ipamigay ni Robin ang TF

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Hindi raw kailan man inisip ni Mariel Rodriguez na muli siyang makapagho-host ng isang noon time show kaya malaki ang pasasalamat ng aktres sa ABS-CBN. “I really, really feel blessed and grateful. It’s Showtime pa, so talagang feeling ko it’s my second wind, it’s my second life in noon time,” nakangiting pahayag ni Mariel.

Aminado ang aktres na nagdalawang isip siya noon kung tatanggapin ang pagho-host sa nasabing programa. “Noong una talaga I was hesitant kasi grupo na sila, barkada na sila, paano ka magpe-penetrate? But they were all so welcoming and they were all so nice and warm. So I didn’t have any problem at all,” pagtatapat ni Mariel.

Samantala, sa Sabado ay mapapanood na rin sa Kapamilya network ang Pilipinas Got Talent Season 5 kung saan ay isa naman si Robin Padilla sa mga bagong hurado nito. Sobrang excited na raw ngayon si Mariel na mapanood ang asawa sa nasabing reality show. “Pinaka-excited ako. Feeling ko he’s perfect, he’s credible, ang ganda. Ang iniisip ko lang baka ipamigay niya lahat ng talent fee niya doon,” pagtatapos ng TV host.

Claudine at Raymart ayaw na uling mag-away

Hindi pa natutuloy ang pagpa-file ng annulment nina Claudine Barretto at Raymart Santiago. Maganda raw kasi ngayon ang ugnayan ng isa’t isa maging sa kanilang dalawang anak. “Hindi pa kami nag-start sa annulment. Stop muna kami sa annulment. Kasi we’re really good friends now,” bungad ni Claudine.

“We’re really trying our best talaga to be good parents. Kasi nga nag-fail na po kami as husband and wife. So we don’t want to fail naman as parents sa mga anak namin. Napag-usapan namin na i-stop na lahat-lahat ng mga kaso and mag-co-parenting na lang kami sa pagpapalaki ng mga anak namin. Sobrang solid kami talaga when it comes to our kids,” paliwanag ng aktres. Desidido raw ang mag-asawa na hindi na muling magpakasal sa sino mang makakarelasyon pagdating ng araw. “Sabi ko sa kanya, “Mag-a-annulment na ba tayo, may girlfriend ka na ba?’ Sabi niya, hindi na daw siya ikakasal. Sabi ko, ‘Ayoko na rin.’ Sabi niya, stop muna natin. Huwag muna tayong mag-annulment kasi ‘yung kids ngayon lang nila nai-enjoy kami ulit together. Paminsan-minsan like sa school or kumakain sa labas,” pagdedetalye ng aktres.

Natatakot daw si Claudine na muling masira ang magandang samahan nila ni Raymart ngayon kung itutuloy pa ang annulment. “Kasi mag-uungkatan na naman. So wala, ayaw na muna namin. Tutal wala naman siyang girlfriend, wala akong boyfriend at hindi na rin naman kami magkakabalikan. So okay lang din,” giit pa niya.

ACIRC ANG CLAUDINE CLAUDINE BARRETTO KAMI KASI MARIEL PILIPINAS GOT TALENT SEASON RAYMART RAYMART SANTIAGO SABI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with