^

PSN Showbiz

Angelica idinenay daw ang breakup nila ni John Lloyd!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ayun nga, ayon sa isang nagkuwento, hindi naman daw totoong break na sina John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban.

Say ng isang source, mismong ang actress daw ang nagkukuwento sa mga kaibigan na hindi sila naghiwalay ng actor.

Ito ay sa kabila ng persistent rumors na nagkainlaban sina John Lloyd at Bea Alonzo na mala-A Second Chance sa last movie nila at ipinalabas lang kamakailan.

Wala raw basis ang nasabing isyu ayon sa source. Ang may semblance of truth daw ay ang kina Bea at Zanjoe Marudo.

Yup, cool off daw talaga ang dalawa at hoping umano ang actor na magkakaayos sila. Matagal na raw kasing shaky ang relasyon nila at nanganganib na tuluyang hindi na ma-save.

Sylvia gusto namang magmaldita

Matapos maging mabait for almost three years, gusto namang magmaldita ng versatile actress na si Sylvia Sanchez.

Yup, more than two years kasi nasa ere ang Be Careful with my Heart kung saan role ni Nanay Teresita ni Jodi Sta. Maria ang ginampanan niya at maging sa Ning­ning for less than a year ay naging mabait siya. Kaya nami-miss na niyang mang-imbyerna at manampal sa mga bida. “Para iba naman. Masyado na akong mabait. Hahaha,” sabi ni Ms. Sylvia sa isang chance encounter the other night.

Wala pang offer na next project pero hoping siya na mas challenging nga ang next serye niya.

At dahil hindi siya sanay na walang trabaho, fly muna siya sa Amerika at Dubai para mamili ng mga puwedeng ibenta. “Breadwinner kasi ako noon. So sanay na sanay akong magbanat ng buto. Hindi ako puwede na walang ginagawa. Dapat lagi akong busy,” banggit pa ni Sylvia kaya siya lalabas ng bansa.

Hindi naman siya magtatagal doon at babalik din lalo na kung may trabaho agad na darating.

Anyway, bukod sa anak niyang si Arjo Atayde na gumagawa na rin ng sariling pangalan at napapanood ngayon sa Ang Probinsyano, talagang acting din ang calling ng anak niyang si Ria na nakasama niya sa Ningning.

Hindi kasi agad nag-showbiz si Ria dahil binawalan ni Sylvia at husband niyang si Mr. Art Atayde.

Pero nang maka-graduate ito ng Communication Arts sa La Salle, nag-audition na agad siya. Immediately, nakuha siya sa Ningning.

Maging si Arjo ay dumaan din sa audition bago nagka-teleserye. Ilang beses muna raw itong na-reject din sa Star Magic Circle noon. Hanggang nag-audition nang nag-audition at nakapasa. Sa kasalukuyan ay tumatatak ang character ni Arjo sa Ang Probin­­syano.

 

A SECOND CHANCE

ACIRC

ANG

ANG PROBIN

ANG PROBINSYANO

ARJO

ARJO ATAYDE

BE CAREFUL

BEA ALONZO

COMMUNICATION ARTS

SIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with