Dennis inahas ng sariling kapatid
(Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Abangan ang mahusay na pagganap ni Dennis Trillo sa Magpakailanman episode ngayong Sabado.

Swerte at dobleng saya ang pagkakaroon ng kakambal pero paano kung ang mismong kakambal ay isang ahas pala na sisirain ang babaeng pinakamamahal ng kanyang kambal?

Ito ang totoong kuwento ng identical twins na sina Michael at Lucas. 

Lumaki sila na hindi malapit sa isa’t isa dahil magkaiba ang kanilang mga ugali. Si Michael ang mabait at si Lucas ang naturingang bad boy. 

Nakapagtapos ng pag-aaral si Michael sa­mantalang si Lucas naman ay nakabuntis at naging iresponsableng ama.

Naging asawa ni Michael si Melissa. Maganda ang naging pagsasama ng dalawa. Isang araw, bigla na lang kumatok si Lucas sa bahay nina Michael at Melissa para makitira. Hindi naman nakatanggi si Michael.

Pinatira niya at tinulungan si Lucas na makapagsimula ng maayos na buhay. Pero may masamang balak pala itong si Lucas. 

Habang nasa trabaho si Michael ay pasim­pleng pinasok ni Lucas si Melissa sa kwarto at sinipingan. Hindi naman alam ni Melissa na si Lucas pala ang nakasama niya dahil magkamukha nga ang kambal. Nagimbal na lang si Melissa nang makita niya na kakauwi pa lang ni Michael ng bahay.

Paano ngayon ipaliliwanag ni Melissa kay Michael ang nangyari? Tuluyan na nga bang masira ang relasyon nina Michael at Melissa dahil sa kawalanghiyaan na ginawa ni Lucas? 

Mapatawad kaya ni Michael si Lucas sakaling malaman niya ang ginawa nito?

Itinatampok din si Rhian Ramos sa kaniyang mahusay na pagganap bilang Melissa. Kasama rin sina Shamaine Buencamino, Toby Alejar, Rosemarie Sarita, Joseph Ison, Don Umali, Stanley Calderon at Staniel Calderon. 

Mula sa direksyon ni Lord Alvin Madridejos, ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA 7.

ACIRC ANG DENNIS TRILLO DON UMALI JOSEPH ISON LORD ALVIN MADRIDEJOS LUCAS MELISSA MICHAEL NBSP PEPITO MANALOTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with