_ngayon
^

Sharon kailangan nang matutong makalimot

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - January 7, 2016 - 9:00am

Fifty years old ka na, Mega (Sharon Cuneta)! Ngayon mo mas mari-realize ang halaga ng isang buong pamilya. Mag-ayos na kayo ng mabuti ng i­naanak ko, miss ka na niya. 

Minsan tayong mga magulang ang dapat mag-reach out sa ating mga anak. ‘Yang pagkakawatak-watak ng pamilya, madalas ay likha lamang ng pride.

Aiza at Liza dapat din respetuhin

Kesa nga naman bastusin natin ang pinapatatag na samahan nina Aiza Seguerra at Liza Diño, mas purihin natin sila sa kanilang layunin na kilalanin ang relasyon ng may magkakaparehong gender sa ating bansa. 

Pati na ang balak nilang pagpapalaki ng pamilya sa isang makabagong proseso ng medisina ay dapat din nating irespeto. 

Kung maka-bash naman kasi sa social media ang marami, akala mo sila na ang pinakamagandang halimbawa ng kabaitan at kaayusan sa mundo. Magtigil nga kayo!

Reaksyon ni P-Noy sa muling pagkikita nila ni Pia inaabangan na

Darating ng bansa ang ating Miss Universe Pia Wurtzbach. 

Huwag nating pagtakhan kung o-over tayo sa ating welcome sa kanya.

After all, apat na dekada tayong walang Miss U. 

Ano kaya ang magiging reaksyon ni P-Noy sa muli nilang pagkikita ng babaeng sinasabing nag-basted sa kanya?

Mga artista nagiging interesado na sa beauty pageants?!

Interesado raw si Rhian Ramos na sumali sa Bb. Pilipinas? Puwede naman siguro. Pero pasado ba ang mga artista sa ganitong paligsahan?

AIZA SEGUERRA ALIGN ANG LEFT LIZA DI MISS U MISS UNIVERSE PIA WURTZBACH NBSP P-NOY QUOT STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with