Pia palung-palo pa rin ang mga interbyu kahit sumasablay sa Ingles!

Seen: Dalawang pelikula ni Solenn Heussaff na may salitang “love” ang magkasunod na ipalalabas sa mga sinehan sa February 2016, ang Lakbay-2-Love at Love Is Blind.

Scene: Masipag si Alma Moreno sa pagsama sa mga provincial sortie ni Vice President Jojo Binay. Naniniwala ang supporters ni Alma na mananalo ito na senador sa eleksyon sa May 2016.

Seen: Fantaisie ang pamagat ng sexy concert nina Lovi Poe at Solenn Heussaff sa Music Museum sa February 6.

Scene: Pormal na inilunsad ngayon ng GMA 7 ang Wish I May, ang afternoon teleserye ni­naMiguel Tanfelix at Bianca Umali. Mula sa hit song ni Alden Ri­chards ang title ng teleserye nina Miguel at Bianca na papalit sa The Half Sisters.

Seen: Sa edad na 17, sumusumpa si Andrew Muhlach na hindi pa niya nararanasan na magkaroon ng girlfriend. Half-brother ni Aga Muhlach si Andrew na mapapanood sa Lumayo Ka Nga Sa Akin ng Viva Films.

Scene: Sumesemplang ang E­nglish grammar ni Pia Wurtzbach pero carry niya dahil confidently beautiful with a heart siya sa kanyang mga guesting sa U.S. television show.

Seen: Tinotoo nina Fabio Ide at Ken Chan ang kissing scene nila sa Destiny Rose. Nahigitan nina Ken at Fabio ang romantic scenes nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez sa My Husband’s Lover.

Scene: Ang Dusit Hotel ang venue kahapon ng grand launch ng design and art collaboration ni Heart Evangelista at ng fashion designer na si Mark Bumgarner.

Show comments