^

Andre naiipit kina Yassi at Barbie

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2016 - 9:00am

Hindi pa man nagtatapos ang The Half Sisters ay may kasunod na project agad ang tambalang Barbie Forteza at Andre Paras. Kung tatanungin ko kaya si Andre, kanino kaya siya mas kinikilig, kay Barbie o kay Yassi Pressman?

May problema siya sa dalawang ka-loveteam dahil baka magkasabay o magkasunod na ipalabas ang TV show niya with Barbie at ang movie niya with Yassi.

ABS-CBN at TV5 magsasalpukan sa talent search!

Magkakalaban naman ang Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime ng ABS-CBN at ang Born To Be A Sar ng TV5 kahit magkalayo at magkaiba ang kanilang timeslot. Paano kasi, parehong amateur singing contest ang da­lawa.

Ang mga mananalo na lamang siguro ang maglalagay ng diperensya sa dalawang palabas.

Fans ni Kean kailangang respetuhin si Chynna

Hindi naman naka­pagtataka kung hindi man tinatanggap ng ma­ra­ming fans ni Kean Cipriano ang kanyang pag-aasawa. Hindi nga ba seloso ang fans at madalas ay nakikia­lam sila sa personal na buhay ng kanilang mga idolo?

Ang masasabi ko lang, they should be kind to his wife na si Chynna Ortaleza dahil siya ang pumili sa kanya. Respeto lang fans!

ACIRC ANDRE PARAS ANG BARBIE BARBIE FORTEZA BORN TO BE A SAR CHYNNA CHYNNA ORTALEZA HALF SISTERS KEAN CIPRIANO YASSI PRESSMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with