KC pinababayaan na ng Dos?!
THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - January 2, 2016 - 9:00am

Malamang kundi man permanente ay mapanood bilang guest si KC Concepcion sa isa sa mga palabas ng TV5 na ang kumpanya na ni G. Vic del Rosario ang namamahala ng entertainment department. Abangan natin ha kung pupuwede. Baka kasi may contract siya sa ABS-CBN kahit wala siyang regular show.

Teka bakit nga ba wala siyang regular na show? Bakit pinababayaan ang inaanak ko?

Sayang na sayang ang kanyang ganda at ta­lent na nanalaytay sa kanyang dugo.

Kaya kung wala, dapat talaga siyang mag­hanap ng ibang bahay.

Wish ni Lyca pagbigyan sana ng Kapamilya

Wish din pala ni Lyca Gyranod na mabigyan ng acting assignment ng ABS-CBN at siguro naman mapagbibigyan nila ang kahi­lingan niya dahil sa bukod sa maga­ling kumanta, magaling ding umarte ang kampyong batang singer.

Julie Anne excited na magmartsa

Tingnan mo nga naman at kahit gaano kaabala sa kanyang showbiz career ay magagawang makapagtapos ng kolehiyo ni Julie Anne San Jose.

Abala ito sa paggawa ng kanyang thesis in time for her graduation in April.

Joshua kailangan pa ng konting hasa sa aktingan

Nakita ko sa Maalaala Mo Kaya (MMK) ‘yung peformance ng Pinoy Big Brother (PBB) alumnus na si Joshua Garcia kagabi and in fairness nakakaarte na siya huh!

Napanood ko siya sa loob ng PBB house at hindi pa siya maru­nong umarte nun pero, ngayon, konting hasa pa at kakabugin na niya ang maraming artistang kabataan ng Kapamilya Network.

ABALA ABANGAN ACIRC ANG JOSHUA GARCIA JULIE ANNE JULIE ANNE SAN JOSE KAPAMILYA NETWORK LYCA GYRANOD MAALAALA MO KAYA PINOY BIG BROTHER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with