Suzy magaling magsingit ng extra-curricular activities
THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - December 30, 2015 - 9:00am

Tingnan mo nga naman itong si Suzy Entrata-Abrera, gaano man ka-busy sa kanyang pamilya at trabaho ay nagawa pa niyang ituloy ang French classes this year. Sa kabila ng paghu-host ng Mars at Unang Hirit ay nagawa pa rin niyang maisingit ito.

Bakit nga kaya ‘yung iba, hindi ito magawa?

Little Nanay ‘di dapat palampasin ang ‘moment’ nina Boyet at Guy

Magkaro’n kaya ng eksenang magkasama sina Nora Aunor at Christopher de Leon sa Little Nanay? Dapat lang gumawa ng paraan ng GMA para hindi lang mapagsama ang dalawa sa serye kundi maging magkaeksena pa.

Sayang naman ang panahon at pagkaka­taon kung pinalampas pa nila, eh andun na si Boyet!

Michael may sariling bar na

Uy, ang laki na pala ng asenso ng dati kong kasama sa Walang Tulugan with the Master Showman na si Michael Pangilinan. Meron na silang bar ng kapatid niya sa Marikina na nagsi-serve ng masarap na steak.

Bukod sa masarap na steak, nagpi-feature sa bar gabi-gabi ng singer, may billiards at beer pang pa.

Ituloy mo pa ‘yan Michael at nagsisimula na ang malaking pagbabago sa buhay mo. Good luck pa more sa inyo ni Jobert!

TV5 dapat na talagang bumuo ng ‘hukbo’ ng mga artista

Sana nga matuloy na ang pagdidiskubre ng TV5 ng mga artista para may mga magamit sila sa kanilang projects at hindi ‘yung kung kani-kanino silang film outfits at networks umaasa.

Dapat nga, ‘yang pagdisikubre ng artista ay isang patuloy na pro­seso.

Hindi mahirap dumiskubre, mas mahirap ‘yung ipakilala sila at pasikatin. Ito ang kumakain ng oras.

ABRERA ACIRC ANG BOYET DAPAT LITTLE NANAY MASTER SHOWMAN MICHAEL PANGILINAN NORA AUNOR UNANG HIRIT WALANG TULUGAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with