Titanic na sana ang peg, Xian tumangging ipinta si Kim ng nakahubad
THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - December 29, 2015 - 9:00am

Hindi matatawaran ang talento ni Xian Lim. Bukod sa pag-arte sa pelikula, isa rin siyang musikero na maalam tumugtog ng maraming instrumento.

Marunong din pala siyang magpinta pero, masisira ang diskarte niya kapag si Kim Chiu ang ipinapinta mo sa kanya. Kung ang maraming lalaki ay sasamantalahin ang pagkakataon na maipinta ang aktres ng hubo’t hubad pero, hindi si Xian.

Tumanggi itong ipinta ang ka-loveteam ng nakahubad!

Susan tiyak na nakakahinga na ng maluwag

At least nabigyan pa ng pag-asa ng mga followers ni Sen. Grace Poe na makapagpatuloy sa kanyang kandidatura bilang pangulo ng bansa dahil nabigyan siya ng TRO ng Supreme Court.

Sa kabila nito sigurado namang hindi titigil ang mga kalaban niya hangga’t hindi siya nadi-disqualify.

Siguro ang pinakanakahinga ng maluwag ay ang kanyang pamilya at inang si Susan Roces na tila ayaw hiwalayan ng gulo at intriga kapag may mga kapamilya na tumatakbo sa pulitika.

Maria Letizia, sikat na agad

Sa ginagawang pagpu-post ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ng mga larawan ng baby nilang si Maria Letizia malamang bago ito mag-isang taon ay kilalang-kilala na ito ng lahat ng Pilipino sa bansa.

Ang bagay na ito ang nagpapanatili sa mag-asawa sa isip ng lahat nilang tagahanga.

Mga Pinoy, mahilig sa swerte

Malalaman mo na walang Pinoy ang hindi nangangarap na magkaro’n ng magandang swerte para sa 2016.

Aba eh kahit gaano kamahal ang mga bilog na prutas ngayon ay talagang bumibili sila para nga magkaro’n ng magandang suwerte.

Pero, ang lahat kaya ng mga 12 bilog na prutas ay sinuswerte?

ANG DINGDONG DANTES GRACE POE KIM CHIU MARIA LETIZIA MARIAN RIVERA MGA MGA PINOY SUPREME COURT SUSAN ROCES XIAN LIM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with