MMFF 2015 pinaglalayo ang mga artista at produ

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - December 27, 2015 - 9:00am

Nakakalungkot talaga na sa halip na mapag-isa ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang industriya ng pelikula ay nagawa pa nitong malagyan ng gap ang pagitan ng mga artista at gumagawa ng pelikula.

Dahil lang ito sa kumpetisyon, huh. At ‘yung mga dapat magmalasakit ay siya pang nangu­nguna sa away!

Movie nina Marya, Cristine, at Paolo, may pramis!

Mukhang may dating ang Lumayo Ka Nga Sa Akin kung saan ay kabilang sa cast sina Maricel Soriano at QC Mayor Herbert Bautista.

Buong akala ko ay isang full length movie ito, hindi pala. Isa itong trilogy na nagtatampok ng horror, comedy, at romcom. Nasa horror sina Marya at Bistek, nasa romcom naman sina Paolo Bal­lesteros at Cristine Reyes at sa comedy sina Benjie Paras at Candy Pangilinan.

O ‘di ba, sa cast pa lamang ay promising na? Palabas na ‘to sa January.

Lovi at Rocco bati na naman!

Kasaya naman for Lovi Poe na sumama sa reunion party ng Nacino family. Kung magkagalit pa sila, kahanga-hanga ang ginawa niya. Kung sila na ulit, eh ‘di wow!

Marami ang matutuwa dahil nagkabati na pala sila. Anumang pinagdaanan nila should be put behind them.

ACIRC BENJIE PARAS CANDY PANGILINAN CRISTINE REYES LOVI POE LUMAYO KA NGA SA AKIN MARICEL SORIANO MARYA MAYOR HERBERT BAUTISTA METRO MANILA FILM FESTIVAL PAOLO BAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with