^

Ian ilang na ilang ‘pag ipinangangalandakan ni Jodi na pogi siya

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - December 23, 2015 - 9:00am

Sinasabing si Jodi Sta. Maria ang nagsisilbing lucky charm sa mga Kapamilya actors na sina Richard Yap at Ian Veneracion. Sumikat ang tambalan noon nina Maya at Ser Chief sa teleseryeng Be Careful with My Heart.

Ngayon ay ang tambalan naman nina Amor at Eduardo ang kinakikiligan ng mga tagahanga sa Pangako Sa ‘Yo bukod kina Yna at Angelo na ginagampanan ng mga bidang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Aminado si Ian na malaking bahagi ng kanyang tinatamasa ngayon ay ang pagkakapareha niya kay Jodi. “Definitely it’s her. I think it’s her. I think ‘yung chemistry on and off screen. Kasi ‘yun nga, we’ve known each other for a while,” nakangiting pahayag ni Ian.

Para naman kay Jodi ay hindi lang naman siya ang dahilan kung bakit tinangkilik ang kanilang tambalan ni Richard noon at Ian ngayon. “Siguro nagkataon lang kasi alam naman natin na si Richard at Ian ay mga makikisig at magagandang lalaki,” giit ni Jodi.

“Hindi naman pwedeng isang tao lang ang nagwo-work. Kailangan nagbibigayan. I think ‘yun talaga ang sikreto roon,” dagdag ng aktres.

Mayroon na rin daw terms of endearment sina Ian at Jodi ngayon. ‘Papa I’ ang tawag ni Jodi kay Ian at ‘Mama Jods’ naman ang tawag ng aktor sa aktres. “Palagi ko kasi siyang niloloko, kunyari ‘pag may mall show, tatanungin ko ‘yung mga tao, ‘Di ba ang gwapo niya?’ Tapos ilang na ilang na siya roon. Parang ayaw niyang i-acknowledge na magandang lalaki siya,” kwento ni Jodi.

Ayon naman kay Ian ay sinasakyan lamang niya kung ano ang makapagpapasaya sa mga tagahanga nila ng aktres. “Lagi kong sinasabi na I’ve been in showbiz long enough and I realize that you don’t take things personally. Ako I enjoy the ride. But it doesn’t mean na my future projects ay ganyan rin ang response,” paliwanag ni Ian.

Pamilya ni Albert ‘di na kinarir ang christmas decor sa bahay

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magdiriwang ng Pasko si Albert Martinez na mga anak na lamang ang kasama. Matatandaang namatay ang asawa ng aktor na si Liezl Martinez ilang buwan na ang nakalilipas.

Ibang-iba raw talaga ang kanilang pagdiriwang ng Kapaskuhan ngayong taon ayon sa kay Albert. “Kasi normally every Christmas ‘yung bahay namin parang shopping center. Kasi kung anu-anong nilalagay ni Liezl sa Christmas tree. Ngayon, we just keep the tree. ‘Yung iba hindi na namin nilabas,” pagbabahagi ni Albert.

Malaki ang pasasalamat ng aktor dahil naging maayos ang pagpapalaki at pag-aalaga ni Liezl noon sa kanilang tatlong anak. “Maganda ‘yung pagpapalaki ni Liezl sa mga bata. Nabantayan niya nang maayos. Si Alyssa is 22, Alyanna is 29, Alfonso is 30 at lahat sila single. ‘Yung mga bata yata ngayon parang ayaw nilang mag-asawa. Pero handa na akong maging lolo, kumbaga, apo pa more ang hashtag ko,” nakangiting pahayag ni Albert.

“Kasi malungkot na sa bahay. Ako na lang ang nando’n,” dagdag pa niya.

ACIRC AKO I ALBERT MARTINEZ ANG BE CAREFUL DANIEL PADILLA IAN JODI KASI LIEZL MGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with