Alden dapat matuto ring tumanggi!
THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - December 22, 2015 - 9:00am

‘Yang wala kapahingahan, kawalan ng tulog at maging panahon  ay some of the prices na ang mga tulad ni Alden Richards has to pay kapalit ng kanyang tagumpay at kasikatan.

Nasa kanya na kung paano niya aalagaan ang kanyang sarili para naman huwag bumigay ang katawan niya.

May paraan, mind you, may paraan. Ang unang leksyon na dapat niyang matutunan ay ang matuto naman siyang tumanggi!

Dahil sa kapabayaan Kris dapat saluhin ang lahat ng sisi

Pupunta pala ng Hawaii si Kris Aquino at dun na hihintayin ang resulta ng MMFF 2015 na kung saan ay may movie siya.

Sa palaging pagta-top niya sa mga  nakaraang MMFF, wala siyang masisisi kundi ang sarili niya kapag hindi man lamang nakasama ang All You Need Is Pag-ibig  sa top 4 dahil sa kawalan  niya ng interes at kapabayaan sa hindi pagpu-promote ng movie.

Pauleen masayang malungkot sa nangyari kay Pia

Natutuwa si Pauleen Luna sa panalo  ng best friend niyang si Pia Wurtzbach bilang Miss U.

Pero, at the same time ay mami-miss niya ito sa wedding nila ni Vic Sotto dahil baka hindi na ito makabalik agad at magsimula na ng trabaho niya bilang Miss Universe. Eh, abay ito sa kasal niya!

ALDEN RICHARDS ALL YOU NEED IS PAG ANG KRIS AQUINO MISS U MISS UNIVERSE NBSP NIYA PAULEEN LUNA PIA WURTZBACH VIC SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with