Ibang pulitikong nagkakalat ng mga kabalbalan lang hindi dapat iboto
THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - December 19, 2015 - 9:00am

Limang araw na lamang at kapanganakan na ni Hesus.

Nakakalungkot na sa halip na maging masaya ang lahat, kaguluhan ang hatid ng pagtatapat ng mga kandidato natin sa pampanguluhan.

Paano ba natin pagkakatiwala­an sa pinakamataas na posisyon sa bansa ang mga lalaking na­nga­ngarap na maging lider natin gayung sila mismo ay hindi maayos ang kanilang mga sarili?

Bakit sila pa kung meron naman tayong mapipiling ibang kandidato?

Elmo at Janine mas tumibay

Kung sino man ang nagsabi na absence makes the heart grow fonder ay hindi nagsisinungaling.

Nakikita ito sa magkarelasyon na sila Elmo Maga­lona at Janine Gutierrez.

Sa halip nga naman na mag-drift apart ang dalawa dahil magkaiba na sila ng istasyon at hindi na nagkikita ng sing dalas ng dati, mas naging mas-close pa sila dahil siguro mas nami-miss nila ang isa’t isa.

Maswerte si Elmo na he has a very understanding girlfriend na walang insecurity sa kanilang relasyon.

Kahit magkaro’n pa ito ng ibang ka-loveteam sa Kapamilya network ay okay lang sa kanya.

Ang mahalaga ay maging masaya ito at magtagumpay sa ginawa niyang paglilipat.

Patuloy na pag-ulan nagpapatipid sa Pasko

Sana, hindi mabawasan ang sigla ng pagdiriwang natin ng Kapaskuhan dahil lang sa nag-uuulan.

Mas masaya nga ito dahil families will have more time to be together.

Kasi kung may araw, mas nasa labas ang mga mi­yem­bro ng pamilya, nasa kanya-kanyang mga bar­kada.

With all this rain, one has to stay at home and spend the day and celebrate His birthday ng magkakasama.

Come to think of it, mas makakatipid tayo kapag nasa bahay lang.

Keep your money for the new year na magkakasama.

Merry Christmas sa ating lahat!

ACIRC ANG BAKIT ELMO ELMO MAGA HESUS JANINE JANINE GUTIERREZ MAS MERRY CHRISTMAS SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with