John Lloyd mas malaki pa ang kinita kesa sikat na mga negosyante Anne, Vic, Piolo, Coco, Sarah, Marian tinalbugan sa laki ng binayarang tax ang may-ari ng GMA
MANILA, Philippines – Grabe! Mas malaki pa pala ang tax na binabayaran ng ilang artista kesa sa mga kilalang negosyante ng bansa.
Nanguna sa malalaking magbayad ng tax na celebrity ay ang boxing champion na si Manny Pacquiao na umabot sa P210 million (no. 2) ang binayaran. Si Kris Aquino ang sumunod kay Pacman na celebrity na ang tax ay P54 million (no. 6) sa top 100 tax payers.
Kasama rin sa top celeb tax payers sina Sharon Cuneta, 49 million (no. 13), John Lloyd Cruz na nasa no. 22 at more than 37 miilion ang binayaran.
Heto ang mga pangalan ng iba na talaga naman ang laki ng tax.
32. Anne Curtis-Smith (P31,465,873); 45. Vic Sotto (P27,001,073)
48. Piolo Pascual (P26,423,395) ; 66. Coco Martin (P22,017,644)
72. Sarah Geronimo (P21,471,618); 90. Derek Ramsay (P20,022,099)
98. Marian Rivera (P19,000,949)
Si John Lloyd imagine mas malaki pa ang binayaran kesa kay Mr. Jaime Zobel de Ayala na no. 23 at may binayarang P37 million at maging kay Sir Henry Sy Sr. na nasa no. 53 at nagbayad lang ng 25 million.
At ang bongga, taob ng mga nabanggit na pangalan ang may-ari ng GMA 7 na si Mr. Felipe Gozon na nasa no. 79 at more than 20 million lang ang tax na binayaran.
Ang ibig sabihin mas malaki ang mga kinita nila pero hindi ibig sabihin ay mas mayaman sila.
Ayon sa paliwanag ni Madam Kim Henares ng BIR sa mga lumabas na interview : “it only depends on what you earn and does not include those which are charged with final taxes.”
Pero kahit na ‘di ba. Kung ordinary people ka, siyempre hindi mo maubos isipin na mas malaki pa ang ibinabayad ng mga artista kesa sa mga sikat na negosyante na kasama sa listahan ng Forbes na mga bilyonaryong Pinoy.
- Latest