^

PSN Showbiz

Ryzza Mae tinaob na ni Baste

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Unti-unti nang nawawala ang kinang ng child star na si Ryzza Mae Dizon sa Eat Bulaga dahil dominado na ito ng three-year-old cute boy na si Baste.

At ten, mukhang pumapasok na rin si Ryzza Mae sa awkward stage tulad noon ni Aiza Se­guerra na pansamantalang nawala only to resurface years after bilang isang mahusay na acoustic singer.

Halos lahat naman ng mga child stars ay may kani-kanyang lifespan lamang sa showbiz although marami rin naman sa kanila ang nakatawid at hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa kanilang showbiz career.

Dahil sa tattoo, Valerie ni-reject na flight attendant ng PAL

Twenty-six-year-old Valerie Concepcion became a mom when she was in her teens at 9 years old na ang kanyang anak na si Fiona sa anak ng pamangkin nina Sen. Tito and Vic Sotto. Kahit tinalikuran nito ang kanyang res­­ponsibilidad bilang ama, napalaki ni Valerie ang kanyang anak sa tulong ng kanyang pa­milya.

Umaasa pa rin si Valerie na makakatagpo siya ng kanyang “Mr. Right” na kanyang pakakasalan at tatayong ama sa kanyang anak.

Matagal ding naging nobyo ni Va­lerie ang isang doctor pero nauwi ito sa hiwalayan. She is now seeing a lawyer na hiwalay na sa kanyang misis. Katunayan, annulled na umano ang marriage nito kaya kung nanaisin ni Valerie at ng kanyang nobyo na magpakasal ay walang magiging balakid.

Si Valerie ay nasa pangangalaga na ngayon ng kanyang bagong manager na si Arnold Vegafria ending her long relationship sa dati niyang manager na si Becky Aguila.

Speaking of Valerie, tanggap na sana itong flight stewardess ng PAL pero dahil may tattoo siya sa kanyang arm ay hindi siya natuloy. Blessing naman at may bagong dumating na teleserye, ang Because of You na tinatampukan nina Carla Abellana, Gabby Concepcion, at Rafael Rosell.

Janella naagaw ni Elmo kay Marlo

Tiyak na malungkot ngayon ang young actor na si Marlo Mortel dahil ipapareha na sa iba ang kanyang ka-loveteam sa Be Careful with My Heart at Oh My G! at maging sa pelikulang The Haunted Mansion na si Janella Salvador.

Alam naman ni Marlo na ipapareha rin sila sa iba pero hindi niya akalain na magiging soon ang pagkabuwag ng kanilang loveteam. Ipapareha na si Janella sa bagong Kapamilya young actor na si Elmo Magalona at may sisimulan silang bagong TV series, ang Born for You.

Buboy Villar endorser na rin ng Foot and Facial Spa

Isa si Buboy Villar sa maraming cele­brity endorser na kinuha ng Ultra-Proactive Marketing na pag-aari ng lawyer na si Atty. Freddie Villamor para sa kanilang wellness products.

Buboy started out bilang isang child actor matapos siyang maging contestant sa Little Big Star ng ABS-CBN in 2006. Although singing ang una niyang naging pasaporte sa pagpasok sa showbiz, mas nakilala siya nang husto bilang child actor kung saan lumutang ang kanyang galing at nakapag-uwi na rin siya ng tatlong Best Child Actor trophies. Pero biggest achievement kay Buboy ang pagkakapili sa kanya to play the title role sa pelikulang Kid Kulafu ang taguri sa boxing hero na si Manny Pacquiao nung siya’y isa pang teenager.

Ang nasabing pelikula ay nakapaghatid kay Buboy ng kanyang first international award bilang Best Actor sa Guam International Film Festival.

“Nakakalungkot lamang na wala ako roon to accept the awards,” pahayag ni Buboy na isa sa mga mainstays ng Walang Tulugan with the Master Showman on GMA.

ACIRC

AIZA SE

ANG

ARNOLD VEGAFRIA

BE CAREFUL

BECAUSE OF YOU

BECKY AGUILA

BUBOY

BUBOY VILLAR

KANYANG

VALERIE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with