Restaging ng Miss Saigon Pinay na naman ang bida!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2015 - 9:00am

Kung nakatakdang magkaroon ng Asian tour ang West End musical na Les Miserables in March next year which will include the Philippines at pa­ngu­ngunahan mismo ni Rachelle Ann Go playing the role of Fantine, nakakatuwa ring isipin na muling irere-stage sa Broadway ang Miss Saigon na unang pinagbidahan sa West End at Broadway ni Lea Salonga in 1989 na tumakbo until 2001 bago ito muling binuhay sa West End noong isang taon with our very own Rachel Ann Go playing the role of Gigi.

Ang stage revival ng Miss Saigon ay nakatakdang mangyari sa taong 2017 at magtatapos in January 15, 2018.  Ang lead role ni Kim ay gagampanan ng Filipina North-Carolina-based na si Eva Noblezada with another Filipino L.A. resident na si Jon Jon Briones to play the role of The Engineer.

Naniniwala ang stage musical producer na si Cameron Mackintosh sa husay ng mga Pinoy stage performers kaya hindi nawawala ang mga ito sa kanyang mga musical plays both sa West End at sa Broadway.

Mag-iba-iba man ang gumanap na Kim sa re-staging ang Miss Saigon sa West End at sa Broadway, the fact remains na si Lea Salonga ang kauna-unahang gumanap sa iconic character na Kim na nakapaghatid sa kanya ng iba’t ibang parangal internationally.

Si Lea ay kasalukuyang nasa New York for the Broadway play na Allegiance.  Next year ay balik siya ng Pilipinas para dito naman niya gawin ang panibagong musical play na Fun Home.

ACIRC ANG CAMERON MACKINTOSH EVA NOBLEZADA FILIPINA NORTH-CAROLINA FILIPINO L FUN HOME JON JON BRIONES LEA SALONGA MISS SAIGON WEST END
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with