Isang Mister, Lima ang Misis
(Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Ang kasal ay isa sa mga pinakamasayang araw ng isang babae ngunit paano kung malaman ni misis na hindi lang pala siya ang pinangakuan ng kasal ng kanyang mister kundi may apat pang iba?!

Ngayong Sabado sa Magpakailanman, panoorin ang totoong kwento ni Elaine, isang misis na nakatuklas na bukod sa kanya ay may apat pang babae na kinakasama ang kanyang mister.

Matagal na pinaglaban ni Elaine si Joseph sa kanyang pamilya kaya labis na lamang ang kanyang saya nang payagan siya ng kanyang mga magulang na maikasal dito. Subalit bago ang kasal, nadiskubre ni Elaine na una na palang pinakasalan ni Joseph si Madel. Kahit na may anak na si Elaine kay Joseph ay mas pinili niya na makipaghiwalay siya dito dahil sa mata ng mga tao, walang bisa ang kanyang kasal kay Joseph.

Pinalaki ni Elaine nang mag-isa si Jennifer, ang anak niya kay Joseph. Nang magdalaga na si Jennifer, pinakilala nito ang kanyang manliligaw kay Elaine. Agad na pinutol ni Elaine ang pakikipagrelasyon ni Jennifer dahil nalaman niya na ang lalakeng nagugustuhan ng kanyang anak ay sariling kapatid nito, si Joseph Jr., na anak naman ni Joseph kay Madel.

Napilitan din sina Elaine at Jennifer na tumira sa iisang apartment kasama sina Madel at ang mga anak nito kay Joseph. Lalo pang na­ging kumplikado ang lahat nang mabuntis ni Joseph si Clarissa. Nakitira rin si Clarissa sa apartment.

Laging nagbabangayan ang tatlong misis sa apartment pero di nagtagal, nalaman din nila na may panibagong kabit na naman si Joseph, ito ay sina Baby at Maureen. At higit sa lahat, may mga anak din pala si Joseph sa mga babaeng ito.

Hanggang kailan kayang tiisin nina Elaine ang panloloko ni Joseph? Ano ang gagawin ni Joseph ngayong bistado na siya ng kanyang limang misis? Sa kabila ba ng sugat at sa­kit na kanilang dinadamdam, magkaroon pa kaya ng pagpapatawad ang mga puso nilang nasaktan?

Itinatampok sina Jay Manalo, Rochelle Pa­ngilinan, Ina Feleo, Wynwin Marquez, Barbara Miguel, Will Ashley, Kyle Ocampo, Ana Capri at Stephanie Sol.

Mula sa mahusay na direksyon ni Laurice Guillen, huwag palampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA7.

ACIRC ANA CAPRI ANG BARBARA MIGUEL CLARISSA ELAINE INA FELEO JENNIFER JOSEPH KANYANG MADEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with