Jolina nahihila ang career ng asawa!
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - November 19, 2015 - 9:00am

Parang mas sumisikat pa ngayon si Jolina Magdangal kaysa nung dalaga pa siya’t wala pang anak. Ang maganda pa sa kanya, nahahatak din niyang pataas ang kanyang mag-amang Mark Escueta at Pele. Meron silang TV commercial na magkakasama at nagbigay ng pagkakataon para mas makilala pa sila ng publiko.

Tinanggap din hindi la­mang ng publiko ang pagbabalik-tambalan nila ni Marvin Agustin sa bina­likan nilang network na ABS-CBN kundi maging ng kanyang asawa na na­ging kaibigan din ng kanyang ex at current loveteam.

May ginagawa siyang teleserye sa Kapamilya para sa susunod na taon ka­sama sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga, ang Written In Our Stars. Ni-revive rin ng Star Records ang kanyang singing career sa pagtitiwala na gumawa ng isang album na binubuo ng pawang hugot songs na siya nitong forte at gustung-gustong gawin. May kolaborasyon sila sa loob nina Vice Ganda at Gloc-9 at tatlo sa nagbigay sa kanya sina Yeng Constantino, Nyoy Volante, at Jamie Rivera.

Tere hindi binibigo ang mga nagtitiwala sa kanyang kakayahan

Isa palang Kapuso ang Best Actress ng Cinema One Originals Filmfest na si Therese Malvar. Pero bukod sa Rhodora X kung saan ay ginampanan niya ang role na batang Jennylyn Mercado, wala na siyang palabas sa Kapuso Network.

Buti na lang at mabenta siya sa mga indie film kung saan ay hindi niya binibigo ang mga nagtitiwala sa kanya na bigyan siya ng pelikula dahil madalas siyang manalo ng award.

Gustong mapasama ni Therese sa ire-remake na Encantadia ng GMA. Dasal niya na makapasa siya sa ibibigay na audition ng istasyon para sa mga interesadong makasama sa bagong programa.

Tatay ni Daniel biglang nagka-career nang magka-loveteam

Sina Sylvia Sanchez at Rommel Padilla ang dalawa sa dahilan kung bakit sinusu­bay­bayan ang pang-uma­gang teleseryeng Ning­ning. Sa kanilang edad, akalain mong gawin pa silang loveteam ng Kapamilya.

Hindi malaswa kundi mas nakaaaliw ang kanilang pagta­tambal. Muli ay naipapamalas ni Sylvia ang kanyang versatility as an actress samantalang ngayon lamang nakukuha ng kapatid ni Robin Padilla ang simpatiya at respeto ng televiewers bilang artista. Dati kasi ay itinuturing lamang siyang ama ni Daniel Padilla, pero ngayon ay nakikita na ang pagka-aktor niya.

Kylie kailangan ng lalaking makakausap nang matagalan

Tinuldukan na ni Kylie Padilla ang anumang relasyon na maaring mamagitan sa kanila ni Benjamin Alves bukod sa pagiging magkaibigan.

“Ayokong mawala ang friendship namin. Ayokong mawalan ng kaibigan,” katwiran niya.

Matapos ang kabanata nila ng pag-iibigan ni Aljur Abre­nica, ayaw muna niyang pumasok sa isang bagong relasyon.

“Marami naman diyang pwede, pipiliin mo lang sa kanila kung sino ang pinakapwede. Hindi naman ako mapili, pero gusto ko ‘yung makakausap ko ng matagal nang hindi ako maiinip,” aniya.

ACIRC ALIGN ALJUR ABRE ANG AYOKONG BENJAMIN ALVES BEST ACTRESS LEFT QUOT SHY STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with