Pelikula ni Vilma pambuena-mano sa 2016
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2015 - 10:00am

Ayan, may playdate na ang All of My Life movie ni Batangas Gov. Vilma Santos sa Star Cinema at kung hindi magbabago, pang-opening salvo raw ng Star Cinema ang nasabing pelikula for 2016.

Mula sa hit song ni Diana Ross ang All of My Life na ang theme song ay kakantahin ni Kyla. Teka, parang si Kyla na ang favorite ng Star Cinema at ABS-CBN na kumanta ng theme songs ng kanilang movies at teleserye.

Anyway, marami na ang excited sa All of My Life dahil for the first time ay magkasama ang future magbiyenan na sina Gov. Vi at Angel Locsin. Wise decision ang pagba-backout ni Luis Manzano sa movie, iwas kontrobersya dahil tiyak na uusisain sila ni Angel sa kanilang relasyon.

Tom at Carla maraming hugot

Nabasa namin sa Instagram (IG) account ni Carla Abellana na ang picture nila ni Tom Rodriguez na ginamit namin ay ang official poster ng pelikula nilang No Boyfriend Since Birth (NBSB). Sa IG rin ng aktres namin nalaman na inilabas na ng Regal Entertainment ang trailer na nagustuhan hindi lang ng TomCar fans.

Sa direction at script ni Joey Reyes, isa sa maganda sa NBSB ay ang mga hugot lines at agad tumatak sa mga nakapanood ang dialogue ni Carla na “Tutubuan na ng myoma ang uterus ko.” Marami pang hugot lines na pagtatawanan ang moviegoers ‘pag pinanood ang movie na showing sa November 11.

Natutuwa kami para kay Mike Tan dahil after a long time, gumawa na siya ng commercial movie. Kasama rin sa cast ng NBSB si Bangs Garcia na sa kuwento nito, tinanggap niya ang project bago siya pumirma ng management contract sa Viva Artist Agency.

Samantala, sina Carla at Tom pa rin ang pinili ni Mel Tiangco na mamuno sa Celebrity Ukay-Ukay na ang beneficiary ay ang GMA Kapuso Foundation. Gaganapin ang Tom and Carla’s Celebrity Ukay-Ukay sa World Trade Center sa November 26 to 30 at sa SMX Convention Center sa December 18 to 20.

Rocco at Lovi may problema?!

Bagong dagdag sa cast ng Beautiful Strangers si Rafa Siguion-Reyna. Hindi lang namin alam ang karakter niya, pero may picture kaming nakita na kasama niya sina Rocco Nacino at Emilio Garcia.

Marami pa rin ang galit na viewers sa Noel karakter ni Rocco sa Beautiful Strangers dahil pinepersonal ang nangyayari sa te­leserye. Bakit daw iniwan ni Rocco si Lovi Poe at ipinagpalit kay Heart Evangelista?

May mga isyu tuloy na may problema sa relas­yon nina Rocco at Lovi lalo’t walang nakikitang picture nila together sa kani-kanyang Instagram (IG). Hindi ba puwedeng in-character lang ang dalawa at dahil si Heart ang love interest ni Rocco sa teleserye at si Lovi ay si Benjamin Alves? Pictures na kasama si Heart ang pino-post ni Rocco at si Lovi naman ay picture nila ni Benjamin ang nasa IG nito.

Album ni Alden naka-platinum na agad

Lalong na-excite ang AlDub Nation fans nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a Yaya Dub sa nabanggit ng binata sa Eat Bulaga kahapon na may production number sila ni Maine sa Sabado sa Tamang Panahon special episode ng EB.

Dagdag pa ni Alden, nagsimula na silang mag-rehearse ni Maine, pero hindi pa sila magkasama at kanya-kanya munang rehearsal.

Anyway, maiiyak na naman nito si Alden dahil nag-platinum na ang Wish I May album niya the day after ng official release ng album under GMA Records. Nag-gold ang album hindi pa man nare-release. Hindi nakakagulat kung ma-hit ng album ang Diamond mark.

ACIRC ALDEN RICHARDS ALL OF MY LIFE ANG BEAUTIFUL STRANGERS CARLA CELEBRITY UKAY-UKAY LOVI NBSP ROCCO STAR CINEMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with