GMA 7 malapit nang maging pag-aari ni Chavit Singson?!

MANILA, Philippines - Si former Ilocos Governor Chavit Singson pala ang pulitikong nababalitang bibili ng GMA 7.

Ayon sa isang source, pirmahan na lang daw ang kulang sa negosasyon.

Katunayan nagti-taping na raw si Gov. Singson ng kanyang programa na eere sa GMA. Pinupuntahan daw nito ang mga tourist spots sa bansa at naghahanap ng mga puwedeng tulungan. Pag sinabi raw ng bata na gusto niyang mag-aral, right away daw binibigyan ng scholarship.

Marami-rami na rin daw ang nalibot ni Gov. Singson kaya nakaimbak na ang mga episode nito sakaling magkatuluyan ang bentahan.

Anyway, nag-iimbita ng entertainment press si Gov. Singson sa Vigan kaya malilinawan na kung kailan magkakabayaran. Puwede ring uriratin sa kanya kung may investment din si Manny Pacquiao sakaling magkatuluyan ang bentahan.

Toni parang naglilihi na raw

Parang naglilihi na raw si Toni Gonzaga. Para lang ha. Kasi napansin daw nila sa PBB kung saan ilang araw din siyang nag-absent dahil umano’y nagkasakit na sobra na ang kapayatan at parang ang dry-dry daw. Ang feeling ng ilang nakakapanood sa kanya, baka nga nasa early stage ito ng pagbubuntis.

Or kung hindi buntis baka naman daw nasosobrahan si Toni. Maalala kasing inamin ng kanyang mister na si Direk Paul Soriano na mas mahilig ma­ngalabit si Toni kesa sa kanya. Meaning mahilig mag-ayang mag-make love.

Well, si Toni ang nakakaalam ng totoo niyang kalagayan.

Pero ang payo sa kanya, magpataba ng konti tutal naman ay misis na siya.

Show comments