Kris pangiwi-ngiwi ang acting sa Etiquette, tinalo tuloy nina Kim at Iza!, Pero hindi na kay Binay Pacman tuloy na raw ang pagse-senador

SEEN: Ang mga pagganap nina Kim Chiu at Iza Calzado ang pinupuri ng mga nakapanood ng Etiquette for Mistresses dahil hindi nila nagustuhan ang pangiwi-ngiwi school of acting ni Kris Aquino.

SCENE: Kung may Yaya Dub ang Eat Bulaga, may Yaya Gerbel ang KrisTV. Si Gerbel ang yaya ni Bimby Yap na may television coverage ang pagpapakasal na iniyakan ng kanyang alaga.

SCENE: Pinipilahan pa rin ang Heneral Luna sa ika-apat na linggo na pagtatanghal nito sa mga sinehan. Nakikipagsabayan ang Heneral Luna sa first week run ng Etiquette for Mistresses.

SCENE: Sina Mark Herras at Aljur Abrenica ang leading men ni Janine Gutierrez sa Dangwa Girl, ang upcoming teleserye ng GMA 7 tungkol sa isang flower vendor sa Dangwa.

SEEN: Sa October 26 ang pilot telecast ng Maybe This Time, ang afternoon teleserye ng loveteam nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali na ipapalit ng GMA 7 sa The Half Sisters na magwawakas sa October 23.

SCENE: Bukas ang 49th birthday ni Francis Magalona at ngayon ang grand finals ng Bulaga Pa More, Francis Pa More, ang tribute ng Eat Bulaga sa Pinoy King of Rap na namatay noong March 2009.

SEEN: Maugong ang balita na kakandidato na senador si Manny Pacquiao sa 2016 pero sa ilalim ng partido ni Mar Roxas at hindi sa political party ni Vice President Jojo Binay.

Show comments