^

PSN Showbiz

Nai-excite rin makatrabaho si Sharon Gabby pabor sa balikang Piolo-KC!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – “We all deserve a second chance. If you feel that the person is your prince charming or your princess, you know...nasa sayo ‘yun,” Ito ang pahayag ni Gabby Concepcion sa tanong kung ano ang kanyang saloobin sakaling magkabalikan ang anak na si KC Concepcion at ex-boyfriend nitong si Piolo Pascual.

Na-corner nga ng press si Gabby sa nakaraang grand presscon ng Film-Bio na Felix Manalo kung saan gumaganap siya bilang si Eduardo Manalo, ang apo ni Ka Felix Manalo na ginagampanan ng bidang si Dennis Trillo. Sinabi ni Gabby na mas okay nga raw na nagkaayos na sina KC at Piolo para wala nang alitan at samaan ng loob ang dalawa. Eh kailan ba sila huling nagkita ng anak? “’Yung nagka-dengue siya, 2-3 months ago, pinuntahan ko pa siya sa ospital nu’n, kasi ‘di naman biro ang dengue.”

So after nun ‘di na ba nagkwento si KC tungkol sa London trip niya with the ASAP artists? “Wala na... Iba na ang istorya. Alam n’yo ang buhay parang pelikula lang ‘yan eh. Hindi ko pa napapanood ang latest pelikula niya,” nakangiting sagot ni Gabby.

Ay, ganu’n?! Eh kung hindi sa anak, kanino niya nabalitaan na nagkaayos na sina KC at ex-dyowa nitong si Piolo? “May mga nagsasabi sa akin, pero hindi ko naman kinu-confirm, naririnig ko lang. “Okay lang ako kung may naririnig akong ganoon, hangga’t hindi pa niya ako tinatawagan, ibig sabihin, hindi pa niya kailangan ng tulong ko,” dugtong pa ni Gabbi.

Matatandaang nagkaayos nga sina Piolo at KC sa London habang nagdi-dinner sa isang yate kasama ang staff at iba pang stars ng ASAP.

Anyway, kailan ba sila gagawa ni Sharon ng pelikula? “Iyan ang matagal ko nang hinihintay! Hahaha! I’m also an avid fan of our team-up and I’m waiting for that movie,” sagot ni Gabby. Dati pa raw sila nag-uusap ng Megastar kaya nga lang, hindi ang pelikula nila ang kanilang topic. Gusto ni Gabby na sakaling magtambal uli sila ni Sharon ay matulad sila sa loveteam nina Richard Gomez at Dawn Zulueta na sobra pa ring kinakikiligan at tiniti­lian ng publiko.

Eh willing ba siya na gawin ang true to life story nila ni Sharon? “Oo naman, any movie! Maganda nga ‘yung nagsimula kami sa pagkabata eh, iba ang mundo niya at iba naman ang mundo ko, tapos nagkita kami...” suhestyon ni Gabby.

Naku, mukhang bet na bet ni Gabby gumawa ng pelikula with the Megastar huh! Willing siyang gawin ang Sharon-Gabby love story. Pak! Sana naman matuloy ‘yun, malay natin, makatulong sa ekonomiya! Hahaha!

ACIRC

ANG

DAWN ZULUETA

DENNIS TRILLO

EDUARDO MANALO

FELIX MANALO

GABBY

GABBY CONCEPCION

HAHAHA

KA FELIX MANALO

PIOLO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with