^

PSN Showbiz

Restaging ng Bituing Walang Ningning, mas pinasosyal pa!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling magtatanghal ang Bituing Walang Ningning, The Musical sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila. And this time, mas high-tech, mas magarbo, at mas malaki ang nilaan na budget sa restaging ng play.

Walang ka-effort effort si Monica Cuenco sa pagkanta ng Bituing Walang Ningning sa nakaraang preview ng nasabing dula kaya naman manghang-mangha ang press sa kanya. Malaki ang ipinayat ni Monica na talaga namang pinaghahandaan ang kanyang role bilang ang bidang si Dorina.

Present din sa preview si Mark Bautista na gaganap pa rin bilang Nico Escobar at si Ronnie Liang na gaganap pa rin bilang Gary.

Marami talagang pagbabago sa second run ng Bituing… dahil nga­yon ay kasama na rin sa cast si Antoinette Taus na gaganap bilang Lavinia kahalili si Cris Villonco at si Epi Quizon na gaganap na rin bilang si Auntie kahalili ni Jon Santos.

Kinailangan daw ng substitute nina Cris at Jon dahil busy daw ang dalawa na may kani-kanilang mga raket.

Talagang throwback in the 80’s ang drama ng Bituing Wa­lang Ningning, The Musical dahil achieve na achieve nila ang retro costumes ng casts at pati na rin ang kabuuang anyo ng play. Mapapanood uli ang Bi­tuing Walang Ningning, The Musical sa October 8-25, 2015.

ACIRC

ANG

ANTOINETTE TAUS

BITUING WA

BITUING WALANG NINGNING

CRIS VILLONCO

EPI QUIZON

JON SANTOS

MARK BAUTISTA

MONICA CUENCO

NEWPORT PERFORMING ARTS THEATER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with