Derrick game na sa hubaran
(Pilipino Star Ngayon) - September 6, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Isa sa mga highlight ng Cosmo Bachelor Bash 2015 at talagang inabangan ng crowd si Derrick Monasterio. Hindi naman niya binigo ang kanyang fans dahil binusog niya ang mga ito nang maglakad siya nang topless sa stage habang may dinidilaang lollipop na kanya pang ipinamigay sa audience!

Nang tanungin si Derrick kung handa ba siyang gumawa ng mas daring at bolder pa kesa sa pagrampa ng nakahubad, malutong na “why not!” ang sagot ng 20-year-old actor.

Totoo ngang malaki na talaga ang pinagbago ng kanyang katawan dahil punumpuno na ito ng muscles at talaga nga namang puwedeng-puwede na niya itong i-display.

Ano naman kaya ang reaksyon ni Derrick sa mga nagsasabing nasobrahan naman ang pagpapaganda ng kanyang katawan?

“Para sakin.. Isa lang itong image changer from teenager to hunk, ayun..”

Sa ngayon daw ay may contract siya for movies na siya raw ang leading man. More on big screen daw siya ngayon at busy din si Derrick sa recording at mga workshop.

Alex Medina sanay nang pahipo!

Paboritung-paborito ng crowd ng Cosmo Bash ang pagrampa ni Alex Medina dahil hindi lang siya basta nag-flex ng kanyang muscles sa stage, nakakaaliw siyang panoorin dahil napakakulit niya at very professional din siya kahit pa medyo nahipuan ang kanyang private part, ha!

Nang makausap backstage si Alex, sinabi niyang puspusan daw ang paghahandang ginawa niya, todo raw ang kanyang pagwo-workout at strictly no rice raw ang diet niya for a month para lalong gumanda ang kanyang katawan. Para kasi kay Alex, importante raw talaga ang pagkakaroon ng magandang katawan dahil nakakatulong ito sa pag-angat ng career sa showbiz at pati na rin sa pagkakaroon ng healthy lifestyle.

Eh ano naman kaya ang saloobin niya nang nahawakan ang private part niya? “Nahawakan ba? Hahaha! Ay, oo nahawakan. Haha!  Okay lang, wala lang naman sa akin ‘yun dahil lagi naman akong hina­hawakan. Hahaha!”

Eh nang tanungin ko kung may lovelife ba siya “Wala wala.. ayokong sabihing sex life lang ang mayro’n. Hahaha joke! Career lang talaga inaatupag ko ngayon, ayun. Push!”

Mapapanood si Alex sa Heneral Luna kung saan kasama niya sina John Arcilla, Arron Villaflor, Joem Bascon, Archie Alemania at iba pa na mapapanood na sa September 9, nationwide.

ACIRC ALEX ALEX MEDINA ANG ARCHIE ALEMANIA ARRON VILLAFLOR COSMO BACHELOR BASH COSMO BASH DERRICK MONASTERIO HAHAHA NIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with