^

PSN Showbiz

Video ni Mariel sa pagkamatay ng mga baby mabilis kumalat, Maria Ozawa sinisisi!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Proud ang Kapuso network sa magagandang nangyayari sa ilang Kapuso stars na nagbibigay ng magandang ehemplo sa mga kabataan.

Isa na rito si Janine Gutierrez na binigyan ng parangal ng National Youth Commission na pinangunahan ni Dingdong Dantes.

Si Janine ang isa sa nakatanggap ng special recogniton mula sa NYC sa kanilang 1st Youth Leading Others Awards na ginanap sa SM Skydome nung nakaraang Miyerkules.

Kamakalawa naman ay pumirma sa GMA Records ang isa sa pinakasikat na young actor ngayon na si Alden Richards.           

Sabi naman ni Alden, sa kabila ng tagumpay na tinatamasa niya ngayon, patuloy daw siyang nagdarasal na nagpapasalamat sa Diyos at ipinapaalala ang sarili na huwag siyang magbago.

PAK: Pinabulaanan ni Deborah Sun na nalululong sa droga ang anak niyang si Jam Melendez.

Sabi kasi ni Aiko Melendez, nagkausap daw silang dalawa nung nagsama sila sa isang drama series tungkol sa pagparehab kay Jam.

Ayon kay Deborah, hindi raw nila napag-usapan iyon ni Aiko dahil hindi naman daw addict ang kanyang anak.

Dumaan lang daw sa matinding depression si Jam, at naging bayolente na ito. Kaya ipinasok na niya ito sa isang facility at pinarehab.

Naintindihan naman daw niya si Aiko kung hindi ito magbibigay ng tulong, huwag na lang daw sanang siraan ang anak niyang addict ito.

BOOM: Isang kasamahan ni Mariel Rodriguez ang nag-post sa Instagram ng Instavideo na nagpa-check-up ang actress/TV host, at doon nalamang nakunan na siya. Doon na rin kasi in-announce na nakunan si Mariel, na nakumpirma nila nung nakaraang Miyerkules ng gabi

Tinanggal na niya ito sa kanyang IG account pero na-pick-up na ng ilang reporter at nakita na nga namin sa YouTube.

Parang nakakaawa naman kasi si Mariel na i-post pa ang moment na iyon na kung saan napapansin ng doktor na tila walang heartbeat ang dina­dala ni Mariel. Na-focus pa ang mukha ng actress/TV host na nalungkot na ito dahil sa hindi na maganda ang na­kikita sa ultrasound.

As of yesterday, wala pang statement uli si Robin dahil sa hindi pa raw ito nakakausap ng ilang taong malapit sa kanya.

Si Maria Ozawa naman ay patuloy pa ring tinitira ng karamihang fans at followers ni Robin, lalo na’t nakunan pa si Mariel.

vuukle comment

ACIRC

AIKO

AIKO MELENDEZ

ALDEN RICHARDS

ANG

DEBORAH SUN

DINGDONG DANTES

ITO

MARIEL

NBSP

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with