^

PSN Showbiz

Startalk babu na, show na ipapalit pinagpipilian na ang title

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang contract signing kahapon ni Alden Richards sa GMA Records na bunga ng popularidad ng loveteam nila ni Yaya Dub (Maine Mendoza).

SCENE: Nagmistulang ate ni Matteo Guidicelli si Shaina Magdayao sa presscon kahapon ng Single/Single dahil makapal ang make up ng aktres.

SCENE: Ang taos-puso na pasa­salamat ni Dawn Zulueta kay Coco Martin dahil sa mga papuri nito para sa The Love Affair, ang pelikula nila nina Richard Gomez at Bea Alonzo na ngayon ang pangatlong araw sa mga sinehan.

SEEN: Pinayagan ng korte na ma­kapagpiyansa ang concert promoter na si John Michael Pio Roda. Si Roda ang promoter ng hindi natuloy na concert ni Chris Brown sa Philippine Arena noong December 31, 2014. Matagal na nakulong si Roda sa BID dahil sa reklamo laban sa kanya ng Maligaya Development Corp., ang producer ng concert na pag-aari ng Iglesia Ni Cristo.

SCENE: Kinaiinisan si Tessie Tomas sa role niya sa Buena Familia ng GMA-7 dahil effective siya na kontrabida.

SEEN: Tatlo ang pinagpipilian na pa­magat  para sa  bagong talk show na ipapalit ng GMA-7 sa Startalk.

SCENE: Ipinalabas kagabi sa Cinemalaya Independent Film Festival ang digitally restored version ng Karnal, ang 32-year old movie ng namayapang direktor na si Marilou Diaz-Abaya. Mga bida sa Karnal sina Charito Solis, Phillip Salvador, Cecille Castillo at Vic Silayan.

 

                     

 

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

BEA ALONZO

BUENA FAMILIA

CECILLE CASTILLO

CHARITO SOLIS

CHRIS BROWN

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

NBSP

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user